13

12 0 0
                                    

Under the CEO'S Possession
Chapter 13

[Bloody Mara Case]

2 days since we last talk about how he can help Kian. Hindi ko naman alam kaya napagpasyahan niyang i-delay na muna dahil may iba pa siyang gagawin sa kompanya niya.

He told me to resolve things on my own without contacting Kian about this.

Medyo naiinis ako kay Cleo pero pinipigilan ko nalang talaga ang sarili ko at baka mabatukan ko pa ta's baka ako pa ang lalabas na masama, mahirap na. He didn't even let me go to work at manatili nalang daw muna ako sa bahay as I looked into things further.

Buntong hininga akong umupo sa kama ng bigla nalang nag-ring ang cellphone ko. Sinigurado ko munang hinaan ang volume ng aking cellphone, para wala talagang makakarinig na kahit sino.

Napangiti ako ng makita ang caller's ID, Nola.

Agad kung sinagot ang kaniyang tawag expecting a greeting from her.

Pero nanlamig lang ako dahil parang wala sa mood yata ang kaniyang boses.

“N-Nola?” Kinakabahan kung tanong sa kaniya

Walang sagot

“N-Nola?”

I heard her growl at muntik ko nang maihagis itong aking cellphone dahil sa tinis at lakas ng kaniyang boses kahit sobrang hina naman ng volume. Lagot na naman ako nito

“UNANG-UNA SA LAHAT ALISHA, BA'T DITO MO PINAPUNTA AT PINAPATULOY ITONG GUNGGONG MONG ASAWA? KUNG MAKAASTA SIYA PARANG SIYA 'YUNG HARI RITO, WALA NAMANG NAIAMBAG!!”

Napatampal ako sa aking noo. Ba't ko nga ba pinagsawalang bahala iyon? I should've known by then na ayaw na ayaw talaga ni Nola si Kian.

“TAPOS IKAW 'TONG DESISYON AGAD, DITO MO NAMAN PINATULOY!”

Napatahimik ako, I deserve her anger. Ako naman talaga ang may kasalanan.

Rinig ko pang sinubukan ni Allen na pakalmahin si Nola. Pero, hindi talaga tatalab iyan lalo na kung nagagalit ang isang halimaw.

“GINAGALIT MO TALAGA AKO, ALISHA. PAUWIIN MUNA 'YUN DAHIL SUMASAKIT ULO KO SA KANIYA.” Hindi ko maiwasang matawa dahil sa mga sinasabi niya.

“Siya nga pala, asan pala si Kian?” tanong ko

“Wala, umalis may pupuntahan daw,” sagot pa nito

I wondered, where did he went?

Simula noong naikasal kami ni Kian, he always makes his schedule private. Kung may pupuntahan siya ay hindi niya sinasabi sa akin kaya paminsan-minsay ay nag-aalala rin ako dahil gabing-gabi na siya minsan umuwi.

“Alisha, nan diyan ka pa ba?”

“Alisha?”

Nabalik ako sa realidad nang marinig ko ang pagtawag ni Alisha sa aking pangalan.

“May bumabagabag na namanba sa iyong isipan? You can tell me,” aniya. The sweet and comforting voice of Nola, almost as if she was trying to comfort her crying child. Naalala ko tuloy kung paano niya sinisigurado ang mental at pisikal na kalusugan ko, how she would often time scold me for being a hard-headed person despite being a few months younger than me.

“W-Wala,” sagot ko sa kaniya

“You can tell me anything, Alisha. I am here with you,” aniya na ikinangiti ko

”Alisha, may sasabihin ako sa iyo. Iilang araw ko kasi itong tinitimpi and it seem that maraming tao ang naghahanap kay Kian. May malaking atraso ba si Kian?”

Possession Series 1: Under The CEOs PosessionWhere stories live. Discover now