05

19 3 0
                                    

Under the CEO's Possession
Chapter 5

[Unexpected Guest]


Awtomatikong bumukas ulit ang malaking pinto. Pumasok na kami sa loob, kumunot ang aking noo dahil wala akong nakita ni isang tao sa loob ng mansion na ito pero tila para bang may nag-aalaga dahil sa sobrang linis at kinis nito.

“Anak!” Nagulat akong napatingin sa pinanggalingan ng boses at nakita ang isang matandang babae na nasa edad 50-pataas.

Nakataas ang dalawang kamay nito at inambahan ng mahigpit nayakap si Cleo. Imbes na magtanong ay napagpasyahan ko na lamang ang tumahimik at panatilihin na lamang sa aking isipan ang nais kung sabihin.

“Manang, this is Alisha Claire Dane. My—”

“Nobya mo?”

Napaubo ako sa hangin ng wala sa oras nang marinig ang sinabi ng ale.

“No, she's my newly hired personal assistant and helper. I want you too give her a tour and  assist her while I'll be gone for a while, you can assist her after I discussed with her in regards with the contract.”, utos nito sa ale.

Awang bibig akong napaupo sa malambot na sofa. Mas malambot pa nga ito kaysa sa higaan ko kung tutuusin lang.

Napaupo ako ng maayos nang marinig ko ang pagtikhim ni Sir Cleo.

“Having contacts your relatives, friends or your partner is strictly forbidden, unless you are given permission or if you are in a day-off.” Napatango lang ako sa kaniya kahit na nais kong tumutol sa kautusan na 'to.

“Not even physical contacts. Kailangan mong gawi ang trabaho mo bilang personal assistant ko, in other words, you need to focus on me.”, dagdag pa nito

“Your job will span until your contract is expired.”, dagdag pa niya na ikinanganga ko

“Hanggang p-po ba ang e-expiration?” nagkandautal kong tanong

“Until I wanted to, basically the contract just doesn't end with a date. It only depends on my will.” Nais kung sapakin ang hangin ngayon matapos kong marinig ang iba pang mga kondisyones na inilagay at idinagdag niya. He apparently believes in the thoughts na kapag ikaw ang may-ari ng bahay, you basically own everyone that steps into your home as well.

“I'll leave the rest to you manang.” Paalam niya

Akmang aalis na sana siya ng tumingin ulit siya sa ale saka binaling ang tingin sa akin.

“Makinig ka ng maayos kay manang.” Nais ko siyang sapakin dahil do'n pero magpapaawat na muna ako. Hindi naman kasi ako bata para papaalahanan ng gano'n!

Palihim na lamang akong napairap no'ng umalis na siya.

“So, iisa-isahin ko lahat ang bawat sulok ng mansiyon, madami ring mga pwede at bawal sa mansiyon na ito.”, aniya habang nakahawak ang dalawang kamay sa kaniyang baywang.

Tinaasan niya ako ng kilay habang nakatingin sa aking mga kamay.

“M-May problema po ba?” natatakot kong tanong sa kaniya

“Ilista mo lahat ng aking sasabihin para hindi mo makalimutan.” Tumango na lamang ako at kinuha ang aking cellphone para sana ilista sa aking notes ang mga posibleng sasabihin niya.

Pero hindi pa nga ako natapos sa pag-type ng aking password ay mabilis niyang kinuha ang aking cellphone.

“Mahigpit na pinagbabawal ang selpon, kung nais mong maglista kinakailangan may mabilis kang pag-iisip at pangdinig. Kung mahina naman ang iyong pag-iisip ay humanap ka ng paraan.” Mahigpit na paalala nito

Possession Series 1: Under The CEOs PosessionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora