06

14 2 0
                                    

Under the CEO'S Posession
Chapter 6
[Tension between Brothers]

“Manang, kailan ba uuwi si Cleo?”

Kasalukuyan akong nasa malapit sa pintuan ng kusina, eavesdropping on their conversation habang si manang naman ay nasa salas nakikipag-usap kay madame.

“Hindi ko po alam ma'am, sabi niya kasi kanina ay may pupuntahan lang daw siya pansamantala. Siguro mamaya pa 'yon uuwi.” Rinig kong sagot ni manang sa kaniya

“Ano bang gusto niyong inumin?”

“I'll have anything,” sagot pa nito

Dali-dali naman akong umatras sa pinto ng marinig ko ang mga yapak ni manang patungo sa kusina at umaktong naghuhugas ng pinggan.

“Kuhanan mo nga ako ng isang tasa saka 'yung platito,  magtitimpla lang ako saglit,” utos ni manang sa akin

Sinunod ko naman ang kaniyang utos at saka kumuha ng tasa at platito para sa kaniya. Nagtungo siya sa isang cabinet at kinuha ang isang brand new na tsaa. Kumunot lamang ang aking noo dahil sa wika na nasa packaging.

Hindi ko maiwasang magtanong, “sigurado ho ba kayong safe 'yan? Hindi ko kasi mabasa kung ano ang nakalagay riyan sa packaging.”

“Oo, ito ang laging pinapatimpla sa akin at iniinum ni Cleo. Nagtatanong nga ako sa kaniya noon tungkol nito  pero sabi niya sa akin ay nakakasiguro namang safe 'to.” Paliwanag niya

“Siya, tapusin mo nalang 'yang hinuhugasan mo. Dadalhin ko lang ito kay madam,” aniya

Tumango lamang ako at nagpatuloy sa paghuhugas.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa isang pakete ng tsaa na tinimpla ni manang kanina.

Kahit labag man sa patakaran o tuntunin ay kinuha ko ang cellphone at nagsaliksik tungkol sa tsaa. May iba't ibang resulta ang lumabas kabilang na ang benefits, pro at cons sa pag-inom nito at iba pa. Pero ako'y natakot at kinabahan dahil lahat ng ito'y nagsasaad lamang ng isang bagay.

“The tea contains coc-ine,” mahinang pagbasa ko sa isang health and diets expert page.

Dali-dali akong nagtungo sa pinto at binuksan ng kaunti  ito, nakita kong nasa coffee table lang ang tsaa at tila hindi pa ito ininom.

Walang pag-aalinlangan akong nagtungo do'n at kinuha ang tsaa ng walang pasabi.

“Excuse me?” tanong ng madam sa akin, annoyance evident in her voice

”Ma'am pasensya na po pero kailangan ko pong palitan ito!”

Taka naman siyang napatingin kay manang na nagkibit-balikat lamang.

“Anong nilagay mo riyan sa kape ko?”

I was shocked with the sudden accusation. Ako na nga lang 'tong tinutulungan siya tapos ako pa inaakusa. Ayaw ko rin namang sabihin ang tungkol sa tsaa dahil baka kung ano pa ang sabihin niya kay Cleo. This is the only thing that I have come up to avoid any accident or what.

“Wala po ma'am, kailangan ko lang talagang palitan ito.” Kinakabahan kung sagot sa kaniyang tanong

“Wala naman pala then why are you shaking?” tanong niya

”Put it back,” utos nito but I was persistent and didn't let go of the cup

“Put. It. Back I said.” She emphasize each word asserting dominance

Halos maghilahan na kaming dalawa hanggang sa tumawag na siya ng security.

“What's with this commotion?!”

Possession Series 1: Under The CEOs PosessionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora