19

5 0 0
                                    

Under the CEO's Possession
Chapter 19

[???]

Pagdating namin sa kahera ay kinuha ko ang pera para sa groceries.

Hindi personal money ang ginagamit ko, kundi ang nakalaang pera na para talaga sa groceries alone.

Magbabayad na sana ako pero mabilis na kinuha ni Cleo ang pera sa kamay ko at ibinalik iyon sa aking bulsa saka niya inabot ang isang itim na credit card.

“Sir, may nakalaan namang pera para sa groceries,” sambit niya

“You should know by now, na ako ang sumulat sa likod ng listahan for additional things. Obviously, I should be the one na magbabayad.” Napabuntong hininga na lamang ako at hindi na nagsalita.

Narinig ko pa ang pagtilian ng kahera at mga kasamahan niya. Iba talaga ang dating nito.


Siniguro muna naming walang ibang tao sa labas ng mall bago kami magpatuloy sa may parking lot.

“Ano po bang gagawin natin dito? Hindi ba't sumakay lang naman tayo ng jeep kanina? Doon tayo sa may waiting shed dapat maghintay,” ani ko.

Ngayon ko lang kasi namalayan na dito siga nagtungo sa

Namamalayan ko talaga na kanina pa siya mukhang may pinoproblema. He looks bothered simula pa noong nakita niya kaming magkasama ni Cielo.

Nanatili lang siyang tahimik as we stood there while I was trying to guess why he choose to stay here.

Pagkaraan ng iilang minuto ay napagpasyahan kung tanungin ulit siya.

“Sir, ano po bang ginagawa natin dito? Hindi paba tayo uuwi?”

“It's here” Tumingin ako sa direksyon na kaniyang pinagtuonang pansin kanina pa at nakita ang isang papalit na sasakyan.

Kasabay noon ang paglabas ng hindi ko kilalang lalake.

“Ito na po boss,” ani ng lalake

He handed Cleo the car keys at tanging tango lang ang sinagot ni Cleo sa kaniya. Binuksan niya ang pintuan sa passenger seat at inilagay doon ang aming mga pinamili.

Nauna siyang pumasok saka sumunod ako sa kaniya.

Before he could start the engine ay muli siyang lumabas, he handed the man a crazy amount of paper bills saka may ibinulong sa kaniya.

Tumango naman ang lalake and went to the opposite side of the parking lot.

Sumunod, ay pumasok ulit siya sa sasakyan saka namin nilisan ang mall. I can see the man  talking to another person from the rear view mirror.

Pagdating namin sa mansiyon ay nauna siyang bumaba at kinuha ang aming mga pinamili sa likod.

I was surprised dahil ngayon lang naman niya napagpasyahang tumulong. Do I feel pitiful?

Umiling na lamang ako. Kung anu-ano nalang itong mga pinag-iisip ko. Sinundan ko lang siya hanggang sa huminto siya sa kusina at inilagay ang mga pinamili.

“I'll be on my way,” sambit niya at akmang aalis ngunit agad ding huminto ng tinawag ko siya.

“Sir!”

“Yes? Is there any problem?”

“S-Salamat” Binigyan ko lang siya ng naiilang na ngiti. Nagulat naman ako ng ngumiti siya sa akin pabalik.

I swear I feel my insides tingling, is this what I think it is? Imposible!

Napatawa na lamang ako sa mga pinagsasabi ng aking isipan.

Possession Series 1: Under The CEOs PosessionWhere stories live. Discover now