18

10 0 0
                                    

Under the CEO'S Possession
Chapter 18

[Old Friend]

Nauna na akong pumasok sa loob ng grocery store at kumuha ng push cart na malapit sa entrance.

Nagtungo muna ako sa mga dry goods dahil ito ang pinakaunang nakalagay sa listahan. May mga flour, spices, asukal at asin.

Kumuha na rin ako ng basmati rice na siyang laging hinahain namin araw-araw dahil sa ganda ng quality ng kanin na ito.

Hindi tulad ng ordinaryong long-grain rice, ang magaan, malambot na texture ng mahahabang butil ng Basmati ay nag-aalok sa panlasa ng ganap na kakaibang karanasan sa mga tuntunin ng lasa—natatangi.

Siniguro ko rin na malayo pa sa expiration date ang aking mga pinapimili.

Ayon kasi kay manang, sobrang mapili raw ni Cleo pagdating sa expiration date at food quality. Kahit na isang linggo pa lang ang layo mula sa expiration, pinapatapon agad. Kaya madami rin talaga ang nasasayang.

Pagkatapos kung mamili ng bigas ay nagtungo naman ako sa mga inumin. I specifically choose the bottled water that Cleo consumes.

Pati na rin ang mga beer. Wala naman sa listahan ko ang wine at tsaa na laging iniinom ni Cleo.

Dagdag pa kasi ni manang noon, puro imported ang mga tsaa at wine na iniinom ni Cleo. Iba talaga kapag mayaman.

Ako nga dati tamang kain lang kahit lagpas na sa expiration date. Sayang naman kasi kapag hindi kinakain tapos maayos pa.

Nagtanong-tanong pa ako kung saan ang mga gulay.

Hindi kasi kumakain si Cleo ng mga processed food, simula bata pa lang, maliban nalang kung spices o sauces. Everything he consumes is freshly cooked by manang o sa home cook nila.

“Gummy bears?”

Kunot noo akong napatingin sa likod ng aking listahan. May iilang mga bagay pa ang nakalagay doon na hindi ko naman naalalang inilista ko.

Base sa handwriting, it was clearly Cleo's handwriting.

Pero bakit naman niya ilalagay ang gummies at iilang bagay, sa pagkakaalam ko ay ayaw niya sa sweets, well, unless kung ibibigay niya sa akin. But of course! Imposible namang bigyan pa ulit ako ng matatamis ni Cleo. He probably wants to give them to someone else.

Bumuntong hininga na lamang ako at nagtungo sa candy aisle.

Hindi ko naman alam kung anong flavor at itsura ng gummies ang nais niya.

So I ended up picking almost every flavors in the aisle.

“Madami-dami pa talaga ito,“ sambit ko sa aking sarili while walking towards the meat and seafood section.

Magkatabi lang ang seafood at meat stall kaya madali lang din ang pagbili ko.

“Iha! Try mo ito! Masarap!“

Napahinto ako sa tapat ng isang stall at tumingin sa matandang babae na tumawag sa akin kani-kanina lang. May mga free samples ng siomai at streetfoods siya sa isang tray kaya kinuha ko naman iyon at kinain. It was tasty.

“Magkano po ba?” tanong ko sa kaniya

I smiled after seeing how the old woman's face lit up in joy.

“1k per pack iha! Assorted streefods, 200 pesos lang! 380 pesos ang dalawang pack, may free ka pang 500 grams.”

“Pabili po ng dalawa“ Masaya niyang kinuha ang perang ibinigay ko.

Possession Series 1: Under The CEOs PosessionWhere stories live. Discover now