Dulo ng Hangganan

3 2 0
                                    

Ang kislap ng iyong mata,
ay 'di ko na nakikita.
At malabo na nga,
na ito ay maisalba pa.

Wala na ang lalim,
ng iyong pagtingin.
Nasasaktan ang damdamin,
'pagkat pag-ibig mo 'di na akin.

Naaalala pa ang lahat,
kung paanong mga labi natin'y naglapat.
Tila sa alapaap—lumilipad,
ngunit ngayon, nalulunod sa pusod ng dagat.

Sa malalim akong dinala,
'di na magawang makaahon pa.
Sa piling ng mga ala-ala,
laging mag-iisa.






𝗣𝗟𝗔𝗚𝗜𝗔𝗥𝗜𝗦𝗠 𝗜𝗦 𝗔 𝗖𝗥𝗜𝗠𝗘 🙂👌🔪
𝗢𝗣𝗘𝗡 𝗙𝗢𝗥 𝗖𝗥𝗜𝗧𝗜𝗖𝗜𝗦𝗠 ☺️👍
𝗢𝗣𝗘𝗡 𝗙𝗢𝗥 𝗗𝗘𝗗𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 🖤
—Galaxy Vlad 🥀✨

04|11|24

Authors Note:

Naisulat ko 'to dahil inspired ako sa kanta ng 4 of ♠️ na "Dulo ng Hangganan" relate lang ako huhu 😪

KALIPUNAN NG ISANG MANUNULAT (Sad Poems) Where stories live. Discover now