Kalungkutan

31 6 2
                                    

Sa t'wing bagong umagang naglalatag
Ang anak ng Araw ng masayang sinag
Siyang silakbo ng lumbay kong dibdib
Dahil sa tinamong sakit dulot ng pag-ibig na mapait.

Nananahimik kong pusong hiyas
Iyong binalabog sa'yong binulalas
"Ikaw ay aking minamahal"
'Di inakala mong sambit, ako'y tigalgal.

Puso'y nag-uumapaw ngayon sa  kalungkutan
Na tila isang galit na karagatan
Tanggap ang luha kong sa mata'y nanunukal
Nadarama'y mabigat, na sa akin ay nasapit na naparawal.

Kalooban kong labis na sawi
Sadyang kalungkutan ang naghahari
Kaya't luha na lamang ay pinatutulo
Bigkas sa ibang tao'y "Ayos lamang ako".








(Ipagpaumanhin niyo kung gayon na lamang katagal bago ako maglapag dito ng aking obra, ako lamang ay abala sa maraming bagay at iniisip ngunit magkagayon man ay nawa naibigan niyo ang isang ito, salamat sa pagbabasa... Maari kayong mag-iwan ng komento sa comment section salamat)

KALIPUNAN NG ISANG MANUNULAT (Sad Poems) Where stories live. Discover now