Motibo

5 3 0
                                    

Sa mahabang panahong ako'y naghihintay,
Nawalan ako ng gana't tumamlay.

Aasa pa ba ako,
Sa mga pinapakita mo?

Hindi na rin kita maunawaan,
Kung bakit mga galaw mo'y ganyan.

Nagbibigay sa'kin ng motibo,
'Pag nagtanong naman ako, sagot mo'y "di kita gusto".

Ang hirap mong intindihin,
Ngunit bakit mayroon pa rin ako sa'yong pagtingin?

Bakit ang tulad mo, 'di ko magawang kalimutan?
Kahit na ako na nga'y yaong nasasaktan?



Dedicated to: Bunsong Ambon

𝗣𝗟𝗔𝗚𝗜𝗔𝗥𝗜𝗦𝗠 𝗜𝗦 𝗔 𝗖𝗥𝗜𝗠𝗘 🙂👌🔪
𝗢𝗣𝗘𝗡 𝗙𝗢𝗥 𝗖𝗥𝗜𝗧𝗜𝗖𝗜𝗦𝗠 ☺️👍
—Galaxy Vlad 🥀✨

KALIPUNAN NG ISANG MANUNULAT (Sad Poems) Where stories live. Discover now