Bulong sa Ama

7 2 0
                                    

Bakit pinipili ng iilan,
Ang malagim na kamatayan?
Marahil dahil ito ang masakit na katotohanan,
At ang buhay ang pinakamasarap na kasinungalingan.

May iba pa bang paraan?
Nang ang sarili'y 'di masaktan,
Mailayo sa pinaka-masaklap na kamatayan.
Ngunit ibig ding 'di na muli pang makadama ng kalungkutan.

May pag-asa pa nga ba?
O sadyang 'di ko na lamang makita?
Sa kadahilanang ako'y suko na.
Maari bang may isang taong sa'kin ay magpaunawa?

Dahil ang buhay na sa'kin'y pinagkaloob,
Sinasayang nitong abang lingkod.
Tuluyan na nga ba akong papasakop?
Sa poot at lungkot na bumabalot.

O marapat pang lumaban?
Sa'king buhay na walang katiyakan.
Ituro mo ang tamang daan,
Nang 'di ako maligaw ng lubusan.


𝗣𝗟𝗔𝗚𝗜𝗔𝗥𝗜𝗦𝗠 𝗜𝗦 𝗔 𝗖𝗥𝗜𝗠𝗘 🙂👌🔪
𝗢𝗣𝗘𝗡 𝗙𝗢𝗥 𝗖𝗥𝗜𝗧𝗜𝗖𝗜𝗦𝗠 ☺️👍
✍️ Galaxy Vlad 🥀✨

KALIPUNAN NG ISANG MANUNULAT (Sad Poems) Where stories live. Discover now