Palasyo

10 3 0
                                    

Ang palasyo ay maganda, lalo't kung pagmamasdan.
Subalit sa loob, puno ito ng kalungkutan.

Ang palasyo kung saan minsan tayong pinagtagpo.
At dahilan din ng ating pagkakalayo.

Ang palasyong magkasama nating binuo,
Na ngayo'y unti-unti na ring nawawala't naglalaho.

Ang palasyo kung saan, ako ang hari
Ikaw aking reyna, ngunit 'di kita pagmamay-ari.

Palasyong napasok ng kalaban,
Laban na agad mong sinukuan.

Laban dapat nating dalawa
Ngunit iniwan mo'kong mag-isa.

Tinraydor mo ako,
Sa sarili nating palasyo.

Kung nalaman ko lamang kaagad,
Maaga ko sanang nailantad.

Ang tunay mong kulay,
'Di sana ako ngayon nakahandusay.





𝗣𝗟𝗔𝗚𝗜𝗔𝗥𝗜𝗦𝗠 𝗜𝗦 𝗔 𝗖𝗥𝗜𝗠𝗘 🙂👌🔪
𝗢𝗣𝗘𝗡 𝗙𝗢𝗥 𝗖𝗥𝗜𝗧𝗜𝗖𝗜𝗦𝗠 ☺️👍
—Galaxy Vlad 🥀✨

KALIPUNAN NG ISANG MANUNULAT (Sad Poems) Where stories live. Discover now