Ako'y Patawarin

14 3 0
                                    

Paulit-ulit kay Ama mananalangin,
Maibalik lamang dati mong pagtingin.
Hindi magsasawang ikaw'y suyuin,
Sa'yo ay yuyukod at sasambahin.

Ikaw ay patuloy hahabulin,
Hindi mabagal kundi matulin.
Walang oras akong sasayangin,
Mahirapan man sa daan, magpapatuloy sa tatahakin.

Alaalang malarosas na aking itinatak sa'yong isip,
Kalaunan ay nangitim.
Ako pa ba'y muling papansinin?
Aking mga sinasabi, diringgin?

Walang ibang hiling,
Kundi ang muli mong patawarin.
Sa loob ay maluwag na tanggapin,
At ako pa'y mahalin.

KALIPUNAN NG ISANG MANUNULAT (Sad Poems) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon