Huling Biyahe

8 3 0
                                    

Handa ka bang sumama sa biyahe?
'Di kailangan ng pamasahe.
Kung saan huling masisilayan,
Ang nakangiti kong larawan.

Sasama ka ba?
Sa akin ng walang pangamba?
Wala akong ibang nilalayon,
Kung ayaw mo'y, 'wag nang tumugon.

Kung gayon, ako na lamang mag-isa,
Simula pa man, gano'n naman diba?
Walang karamay,
Sa t'wing nanlulupaypay.

Sino bang nariyan?
Sa t'wing kayo'y aking kailangan?
'Di na nga kayo nakinig,
Ako pa'y inyong inuusig.

Ang huling mga salita,
Akin na ring idirikta.
Nang sa'yo ako'y maayos na makapag-paalam,
Nang 'di ka rin masyadong masaktan.

Subalit alam ko, 'di makadarama ng sakit,
Dahil ni katiting, wala kang pag-ibig.
Dahil ang tulad mong walang puso,
Lumipas man ang panahon, 'di na magbabago.





©Credits to the rightful owner of the pic📌

𝗣𝗟𝗔𝗚𝗜𝗔𝗥𝗜𝗦𝗠 𝗜𝗦 𝗔 𝗖𝗥𝗜𝗠𝗘 🙂👌🔪
𝗢𝗣𝗘𝗡 𝗙𝗢𝗥 𝗖𝗥𝗜𝗧𝗜𝗖𝗜𝗦𝗠 ☺️👍
✍️ Galaxy Vlad 🥀✨

KALIPUNAN NG ISANG MANUNULAT (Sad Poems) Where stories live. Discover now