Magulang o magulang?

8 3 0
                                    

Minsan ko ng tinakasan
Ang madilim kong nakaraan
Ngunit bakit ko nga ba binalikan?
Dahil nga ba sa'king minamahal? O may iba pang dahilan?

Nais ko rin sa'yong iparanas
Lahat ng sakit at hirap
Na iyo ngang ipinalasap
Kaya patuloy akong nagsusumikap

Napaka-sama mo
Ikaw lamang nakinabang sa mga nais mo
Tunay nga bang ikaw'y tao?
O nag-aasal ng demonyo?

"Ginagawa ko 'to upang sumaya kayo"
'Di ko malilimutang sambit mo
May ilang katanungan ako,
Para sa'min ba talaga o para lamang sa'yo?

Magulang, iyan ang sa inyo'y katawagan
Madalas na dahilan ng aming pagluha't kasawian
Dahilan ng aming pagkapagod, imbis na kapahingahan
Rason ng aming pag-iyak, imbis na kasiyahan

Pero oo, literal na magulang ka
Dahil lahat ng para sa'min, kinuha mo na
Halos wala ka ng itira
Pati buhay at kinabukasan namin, kukunin mo pa?

Talaga bang nahihibang ka na?
O sadyang kinain ka ng sistema?
Dino-diyos mo ang pera
Ikaw tuloy ngayon ay kinakarma.

𝗣𝗟𝗔𝗚𝗜𝗔𝗥𝗜𝗦𝗠 𝗜𝗦 𝗔 𝗖𝗥𝗜𝗠𝗘 🙂👌🔪
𝗢𝗣𝗘𝗡 𝗙𝗢𝗥 𝗖𝗥𝗜𝗧𝗜𝗖𝗜𝗦𝗠 ☺️👍
✍️ Galaxy Vlad 🥀✨


Bakit ko nga ba 'to naisulat? Maraming dahilan subalit iilang tao ang itinuturo, ang pamilya ng may-akda. So, if you can relate, give me a vote and let me know if may mga suhestiyon ka na nais sabihin, mangyari ilagay na lamang ito sa comment section. Salamat 🖤🖤🖤

KALIPUNAN NG ISANG MANUNULAT (Sad Poems) Where stories live. Discover now