Mahal ko o mahal ako?

9 4 3
                                    

Nang ako'y nasa dilim,
Siya'ng nakasama't nakapiling.
Ngayon, siya'y may hinihiling,
Dapat ko bang dinggin?

Kung ang taong minsang nagdulot ng sakit,
Narito't nagpaparamdam at nagbabalik.
Ako'y nagugulumihanan, sa isip pumipitik.
Nakaraang kay saya na kalauna'y pumait.

Taong minsan na sa madilim kong mundo, nagbigay kulay.
Sa liwanag, marahan akong inakay.
Taong minsang nangako sa'kin ng panghabang-buhay.
Ngunit ngayon, may kanya-kanya na kaming buhay.

Ibig kong muli kang tanggapin,
Subalit paano, kung sa pagsuyo ko'y may iba na ring umaangkin.
Anong nararapat kong gawin?
Ako'y nahihirapan na rin.

Ayaw kong may masaktan,
Pero kailangang may isang bitawan.
At may isang maiwan,
Na akin namang panghahawakan.

Kung maari lamang magmahal ng dalawa,
Akin na sana itong ginawa.

Ngunit sino nga bang pipiliin ko?
Mahal ko o mahal ako?







𝗣𝗟𝗔𝗚𝗜𝗔𝗥𝗜𝗦𝗠 𝗜𝗦 𝗔 𝗖𝗥𝗜𝗠𝗘 🙂👌🔪
𝗢𝗣𝗘𝗡 𝗙𝗢𝗥 𝗖𝗥𝗜𝗧𝗜𝗖𝗜𝗦𝗠 ☺️👍
—Galaxy Vlad 🥀✨

KALIPUNAN NG ISANG MANUNULAT (Sad Poems) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon