Larawang Kupas

16 6 0
                                    

Sa ating larawang kupas,
Aking nagunita ang lumipas.
Na tila 'di na babalik pa,
Ngunit puso'y patuloy umaasa.

Naghihintay pa rin sa'yo,
Sa ngalan ng pag-ibig mo.
Pagod na't sugatan,
Subalit nais pang lumaban.

Tila ba 'sang sundalo,
Na sa giyera'y napasubo.
Sumugod nang walang sandata,
Matapang na humarap mag-isa.

Ngunit ako'y nagapi,
Mistulang batang api.
Mangiyak-ngiyak sa paghihinagpis,
Dibdib nasasakta't nahahapis.

KALIPUNAN NG ISANG MANUNULAT (Sad Poems) Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu