Kababata (Ikalawang Yugto)

5 3 0
                                    

Isang madilim na gabi,
Naglalakad kang madali.
Humahagibis na sasakyan,
Tinumbok iyong dinaraanan.

Imbis na ikaw'y babain,
Mas piniling 'di pansinin.
Iniwan kang nakahandusay,
Habang nag-aagaw buhay.

Nadala pa sa ospital,
Ngunit nadeklara "dead on arrival"
Anong sakit naman
iyong naranasan.

Sinadya ko ang 'yong puntod,
Agad ay napaluhod.
Pangalan mo'y nakita sa lapida,
Kaya't mabilis na lumuha.

"Mahal ko, bakit?
Nandito na ako't nagbabalik".
Mga katagang nasabi,
Ngunit napatigil sandali.

Isang malamig na hangin,
Ang siyang yumakap sa'kin.
Isang malamyos na tinig,
Aking narinig.

Mula sa aking tainga,
Ramdam ang 'yong hininga.
Mata'y mariing ipinikit,
Boses mo'y aking dininig.

"Mahal ko, masaya na'ko rito,
Hiling ko'y matanggap mo.
Na ako ay lumisan na,
'Di na babalik pa".

"Ngunit sa'yong puso,
Buhay na buhay ako.
Lagi mong tatandaan,
Ikaw lamang, tangi kong minahal".

"Iyo sanang ipagpaumanhin,
'Di ko nagawang ika'y hintayin.
Ito ang sakin'y itinakda,
Kaya wala tayong magagawa".

"Piliin mo laging maging masaya'
Sa ganoong paraan mo'ko mapaliligaya.
Hangad ko ang 'yong kaligayahan,
Patawad, ako na'y magpapaalam".

Mga salitang iyong binitawan,
Na mas masakit pa sa katotohanan.
Sa pagdilat ng mga mata,
Tinanggap kong wala ka na nga.

Ngayon, patuloy akong naghihintay,
Sa pagwawakas ng aking buhay.
Nang ikaw ay makasama,
Kapiling natin ang Ama.

©Credits to the rightful owner of the pic 📌

𝗣𝗟𝗔𝗚𝗜𝗔𝗥𝗜𝗦𝗠 𝗜𝗦 𝗔 𝗖𝗥𝗜𝗠𝗘 🙂👌🔪
𝗢𝗣𝗘𝗡 𝗙𝗢𝗥 𝗖𝗥𝗜𝗧𝗜𝗖𝗜𝗦𝗠 ☺️👍
✍️ Galaxy Vlad 🥀✨

KALIPUNAN NG ISANG MANUNULAT (Sad Poems) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon