Sana'y 'wag mong sasaktan,
Ang taong minsan kong pinahalagahan.At ngayon nga'y hawak mo,
Ang kamay na minsan na ring kinapitan ko.Sana'y matumbasan mo ang saya,
Sayang ako dati ang nagdudulot sa kaniya.'Wag mong paiiyakin,
Patuloy mo lang mahalin.Kahit mahirap siyang maunawaan,
Palawakin mo lamang iyong isipan.Ako ang dapat nasa pwesto mo,
Kaso hindi na'ko, kanyang gusto.Kaya't habang ikaw ang nariyan,
Gawin mo'ng lahat upang kayo'y magtagal.Gawin mo'ng lahat upang makuha ang basbas,
Ng kanyang ama na mukhang masungit dahil sa balbas.Gawin mo'ng lahat upang makuha,
Tiwala ng kanyang ina na tinatawag ko noong "mama".Ingatan mo,
Ipakita mong siya ang mundo.
YOU ARE READING
KALIPUNAN NG ISANG MANUNULAT (Sad Poems)
PoetryDito ay malaya kong naihahayag ang masidhing damdamin bunsod ng kalungkutan at kawalang pag-asa ng isang taong iniwa't kinalimutan. Sa pamamagitan ng matalinghaga't makahulugang mga salita na ako mismong nagtipon at naglimbag.