Chapter Nineteen

Mulai dari awal
                                    

"Sya yung kasama ni Irish sa picture nya sa facebook!" sabi ni Pamela.

"Oo nga!" - Beatrice

"Tama! Sya yung hinila ni Irish para magpa-picture nang nagpunta tayo sa amusement park!" - Tiffany

"Oo nga!" - Beatrice

"A-Ano'ng hinila? Hindi ah! Iba 'yon!" - Irish

"Nanghihila ka na pala ng mga lalaki ngayon Irish?" - Arrielle

"Oo na! Sige na! Inaamin ko na! Eh magagawa ko? Ang gwapo nya at marupok akong babae. Huhuhu!" - Irish

So si Irish pala ang humila kay TOP kaya sya nawala sa tabi ko nun. Nakakainis! Nag-drama pa ako nun sa ulanan tapos si Irish lang pala ang may kasalanan! Nilagpasan ko na sila at nilapitan ang gwapo kong boyfriend na mukhang papatayin na lahat ng babae na nakatingin sa kanya. Ayaw talaga ni TOP sa mga babae. Buti nalang mahal nya ako kaya isa akong special case. v(^O^)v

"Tara," sabi ko kay TOP.

"Okay," sagot nya na umaliwalas ang mukha nang makita ako.

"Uy si Samantha oh!"

"Bakit sila magkasama?"

"Kasama nya yung lalaking 'yun?"

"Sila ba?"

"Boyfriend nya 'yun?! OMG!"

"Pero mukhang gangster yun eh."

"Bakit sumasama sa mga katulad nyan si Sam?"

Sumakay na kami ni TOP sa motor nya. Mabilis nya 'yong pinaandar at iniwan ang mga ka-schoolmate kong nakanganga at hindi makapaniwala sa nakita. Sigurado na kakalat ang chismis na 'to na parang isang sunog sa school. Haay. Hayaan na nga.

***

"Papasok ka ba o tatayo nalang tayo dito habangbuhay?" tanong ko kay TOP na kanina pa nakatingin sa glass door ng isang salon.

"Should I cut my hair?"

"I don't...think so?" sagot ko na hindi sigurado.

"I should. I should dye my hair back in black."

Tinignan ko lang si TOP. Dark brown kasi ang buhok nya ngayon at medyo mahaba narin, natatakpan ang kaliwa nyang mata. Pero uso naman ang medyo mahabang buhok ngayon. Mga emo or korean hairstyle?

Pumasok sya sa salon, sumunod ako. Parang ayaw naman ni TOP paltan ang hairstyle nya, mukha syang uncomfortable.

"Hi! Sino sa inyo ang magpapagupit?" tanong ng hairstylist

"Boyfriend ko," tinuro ko si TOP na mukhang hindi komportable.

"Oohh..." tumingin sya kay TOP. "Ano'ng klase ng gupit hijo?"

"Clean cut and I want you to dye it back in black." TOP answered her in his zombie like tone.

Somethings wrong with him. Ano kaya?

"Okay, just sit here and let me do my magic," pinaupo nya si TOP sa high chair sa tapat na salamin at nilagyan sya ng puting cover

Umupo nalang muna ako sa sofa at nagbasa ng magazine. Ilang oras kaya ang hihintayin ko bago matapos to?

*Ring!Ring!*

"Hello?"

[AAHCCK!! SAMMY!! OMG!!]

"Ouch! Michie? Bakit ka sumisigaw?"

[Nasa detention kami! Waaahh!]

"ANO?! Bakit? Ano'ng nangyari?!"

[Napa-away kami? -Michie! Si Sam ba yan?- Oo! -Hwag mong sabihin na nasa detention tayo! Sabihin mo nasa Karaoke Bar tayo!- HUH?! Ah okay Maggie! Hello Sammy, wala pala kami sa detention, nasa Karaoke Bar daw kami sabi ni Maggie. Uwi din kami maya. Bye-bye!] she hung up.

Talk Back and You're Dead!Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang