EPILOGUE

0 0 0
                                    

KLEV's POV

There's this one girl na familiar, but hindi ko maisip kung saan ko siya nakita or kung nagkainteract na ba kami. She's in a business course, and palagi ko siyang nakikita. Everything about her is so perfect for me. I'm her secret admirer because I can't take the risk of confessing, mas okay na ako sa ganito, sekretong tagahanga niya. Atsaka, she looks like an academic girl, parang wala pa sa hitsura niya ang love life.

I still want to express my feelings for her so naging hobby ko na umuwi sa probinsya every month para lamang kumuha ng fresh na flower sa shop namin. Monthly akong nagpapaabot ng flower sa kan'ya. I always saw her sa school na mag-isa, kung hindi siya busy sa books ay nakikita ko siya palagi sa garden sa school. Dahil doon nalaman ko kung gaano niya kagusto ang mga bulaklak. Her smile suits her everytime na namamangha siyang nakatingin siya sa mga bulaklak.

It's so surreal pala talaga 'no? Kahit patago ko lamang siyang hinahangaan ay patuloy na nagogrow at lumalalim ang nararamdaman ko para sa kan'ya to the point na ayaw kong ganito na lang ako. I want to level up, I want to take the risk and get all the chances.

Gathering all the strength that I have, we're in 4th year college at balak ko ng umamin.

Nagpadala ako sa bulaklak sa kan'ya at nakasulat sa note na I'm ready to introduce myself. Iniwan ko rin sa notes na sa garden ko siya hihintayin.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, naghahalong saya, kaba at takot. Saya na harapin siya at mawala na ang pagtatago tago ko, mas malaya kumbaga. Kaba at takot sa possible na mangyayari. Ngunit handa ako sa lahat.

I saw her walking papunta sa akin and her hair na tinatangay ng hangin. Sobrang ganda niya.

Mula sa kinauupuan ko ay napatayo ako at hinintay siyang makalapit sa akin.

"The one who always give me flowers?"

Tumango lamang ako, fvck it nakakawala 'to ng angas. Nakakaspeechless pala kapag siya na ang kaharap.

"I'm Klev, It took me a lot of courage to do this and yeah I think today is the day. You're so pretty, by the way"

"I'm Raiah, nice to meet you. Hindi na secret admirer ang code name mo sa akin dahil kilala na kita, uhm Klev" sabay ngiti nito sa akin at lahad ng kamay niya

"Pero bakit?" ang cute niya, ang simple niyang tao, ang inosente ng mukha niya, looks like an angel

"Bakit kita nagustuhan? I like you without any kind of explanation or reason. Basta gusto kita, Raiah. You deserve to be pursued, I am ready for everything. Can I take this chance to ask for your permission about me courting you?" diretsuhan kong tanong, ayokong magpaligoy ligoy pa dahil nasa harap ko na siya at walang kahit ano ang dapat na masayang

She freeze for a minute. Nawala ang kaba ko dahil naisabi ko na ang gusto kong sabihin. Nakikita ko na ang mga sagot sa kan'yang mata.

"I'm sorry, Klev. I can take your feelings but I can't entertain it or reciprocate it. I'm not yet into relationship, hope you understand" sagot nito na tila nagiingat sa mga sasabihin upang hindi makasakit

Mas sobra pang kahanga hanga ang buong pagkatao niya sa ineexpect ko.

"No, don't say sorry when you're not in fault. I understand it po, sabi ko naman sa'yo ready ako sa lahat. Felt relieved naman na rin ako because nasabi ko na, doon pa lang panalo na ako. Thank you so much, Raiah!" I said to her

"No, thank you Klev. I appreciate you. Makakapagthank you na ako directly sa nagbibigay sa akin ng flowers. I guess it ends here, nice meeting you again. Balik na ako, may klase pa eh. See you when I see you" sabay tapik nito sa balikat ko at naglakad paalis

Embracing Certainty Where stories live. Discover now