Chapter 27

0 0 0
                                    

On our 2nd day we've tried banana boat and surfing, we also played volleyball kahit hindi naman kami marunong. We enjoyed it so much, puro tawanan ang nangyari at asaran.

The day passed again quickly as it was, sobrang dami naming natry na new things we also did something kung saan nakalabas talaga kami sa comfort zone namin.

It's our last day at parang hindi pa pabor sa amin dahil nawili na kami.

"Sure na ba talaga 'to mga bakla? wala ng change in mind?" wika ni Ravier

"Hindi ka lang nakabingwit ng maiuuwi eh" wika ni Havenn dito

"Duh, may uuwian akong tao kaya I don't need that" sabay snob nito

"Stop na guys, just manage all your things well baka may maiwan" singit ni Erin sa usapan

"Hindi ka siguro namanage ng maayos kaya ka naiwan" wika naman ni Alen dito habang humahalakhak, hinampas lamang siya ng marahan ni Erin sabay taas ng dalawang kilay

Ay malalim na ata alam nila sa isa't isa ah.

Inayos lamang namin ang lahat ng gamit namin and put it in the car. We also took some photos again before leaving the resort.

It's just a short moment of week but one of the best in my life, with best people pa.

We arrived sa kan'ya kan'ya naming bahay ng maayos, pagod man pero masaya.

Pagkadating na pagkadating ko sa loob ng bahay akala ko pa napasukan ako ng magnanakaw damn it.

Ang papa ko lang pala, nakahiga pa kasi sa sofa. I gave him my key din kasi pero ngayon lang siya siguro free para pumunta buti na lang at nadatnan ko siya.

"Papa naman ginulat mo ako" salubong ko rito

Bumangon ito agad sabay open ng arms niya for me to hug him.

"Kamusta ang gala niyo anak, kamusta ang kapatid mo?" wika nito

Sinabi ko kasi sa kan'ya ang lahat at ako ang nagsabi na mas maging hindi muna malaman ni Erin, kailangan muna niyang mafeel relief sa emotions niya. He agreed to me naman.

"Masaya po papa, I saw how happy she was" giving him an assurance pinakita ko ang mga pictures namin at nag-kwento rito.

Habang nagtatawanan kami ay may kumatok sa door. Pero ang alam ko wala naman akong inaasahang bisita or delivery right now.

Pagkaopen ko ng door, I don't actually know what to do and how to act. I saw Erin standing in front of it.

Hindi ko siya pwedeng papasukin, magkikita sila.

"Sino 'yan anak" wika ng papa ko na rinig din ni Erin

She gave me those eyes with full of questions. The day kasi na inkwento ko sa kan'ya ang lahat, nasabi ko rin how my dad abandoned me so ang alam niya talaga ay wala na si papa.

"Your dad? what's happening Raiah, bumalik na siya?" dagdag nito

I'm speechless because of what I feel. Halo-halong takot at kaba.

Not today, please. Erin is tired physically, kakalipas lamang ng mga sakit na naramdaman niya. Kakagaling niya lang sa kasiyahan, ayokong mapawi ito agad ng hindi inaasahan.

"Uh h-hmm" ang tangi ko lamang nasambit dito

"Why, you're still not ready to introduce him?" halata ata nito ang hitsura ko, tumango lamang ako

"I see, naiintindihan ko. Nagpunta lang din ako rito para iabot sa'yo 'tong wallet mo nahalo ata sa bag ko" sabay abot nito sa akin

"Thank you, Erin!"

Nakatalikod na si Erin paalis ng biglang....

"Anak bakit hindi mo pinapasok ang bisita mo" wika ng papa ko

Agad na napalingon si Erin sapagkat napalakas ang boses nito.

Kita sa mga mata niya ang gulat, pagtataka at mga luhang pinipigilan ulit na bumagsak dahil sa wala pang kasiguruhan lahat ng mga maaaring tanong na tumatakbo sa isip niya. Akala ko makakaligtas na, akala ko lang pala. And now, I can sense something that will cause a trouble in our beloved friendship.

Embracing Certainty Where stories live. Discover now