Chapter 19

1 0 0
                                    

MARTYN's POV

Life was full of surprises, leading us to come up with unwanted decisions. Unwanted decision, which we think is the only solution to the existing situation. Unwanted decisions that unfold a broad aspect of difference or change in our lives.

With them beside me, I feel the solace of totality.
Having a complete and full of laughter family is just my dream when I was a kid dahil pinagkait ito sa akin ng mundo. And succesfully grown up, having my own family fulfilled the dream of little me.

Our family composed of three members, my adorable wife and daugther. Not a moment passes without the radiance of our shared laughter and warmth.

We used to cherish every moment we have.

As the head of the family, I also need to secure financial aspect. Mayroon akong ipon but I want to gain more. Habang tumatagal ang oras marami ng necessities ang pamilya ko na kailangan kong iprovide and I will do everything for them, para mabigyan sila ng maginhawa na pamumuhay.

My daughter was 4 years old when I've planned to work again. Sa tingin ko naman sa loob ng apat na taon ay mayroon na siyang babaunin pagtanda na masayang childhood memories. Deciding to work again is a hard decision for me but I needed to dahil napapansin kong parang may mga iniinda ng sakit ang asawa ko.

Pinacheckup namin siya and the doctor gave her medicine to take every 5 in the afternoon. Dahil makakalimutin na ang asawa ko, nagbilin ako sa anak ko na always remind her mother about taking its medicine. With a 4 year old kid, she's much way matured and sobrang lawak na rin talaga ng pagiisip niya sa mga bagay bagay. Nagulat nga ako kasi she did the alarm technique, nagset siya ng 5pm sa alarm ng phone ng mama niya. And every 5pm once na tumunog na ito ay sign na for medications.

It's already Monday, my first day of work.

"Papa, what time po ikaw uwi maya" my daughter said

"Uwi po si papa ng 5 ng hapon anak ko" sabay yakap ko sa kan'ya

"Papa, babalik ikaw po ha wavyu"
"Huwag pabayaan ang sarili good luck, hon!"

And there when I realized that they're worth everything for. Mahal na mahal ko sila, they are my life kaya handa akong magsakripisyo para sa ikakabuti nila.

Until one day come, darkest storms of our life came. With unexpected time, an unexpected challenge also comes our way. Tumagal nga ako sa trabaho ngunit mas pansin ko ang panghihina ng katawan ng asawa ko. Need na niya ihospitalize. Financial aspect naman is secured na, result of working hard I have enough savings para sa pagpapagamot niya. Ginawa ko na ang lahat ng paraan, ginawa na rin ng doctor, nilaban ko, nilalaban ko, ilalaban ko pa sana pero siya na mismo ang sumuko, her body gave up, we lost her because she didn't survived. Matagal na pala ang sakit niya at late na ito nakita. She died because of stage 4 cancer. My daughter is still young, she's 5 years old at hindi niya deserve maagang mawalan ng ina.

"Pa, bakit po himbing tulog mama. Ayaw po niya gising, iinom pa po siya gamot mamaya" wika ng anak ko

Nasa hospital kami ngayon.

I don't want to give my daughter false information, I need to be honest with her so that bata pa lang siya ay maintindihan niya na ang lahat...kahit masakit.

"Nak, w-wala na si mama. Diba po nagkasakit siya? h-hindi na po kinaya ng katawan ni mama, kinuha na p-po siya ni God sa atin" my voice cracked habang pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang bumagsak

Ang bigat bigat, parang dinudurog ang puso ko sa bawat salitang binibitawan ko. My body is trembling.

"Bakit ka po iyak, mabait po si God, babalik niya rin po si mama sa atin papa?" umaasang wika ng anak ko, I saw a light of hope in her eyes. I'm sorry anak ko.

"Hindi na anak ko, you know heaven po diba d-doon na po titira si mama" nanghihina kong wika

Ipinakita ng anak ko ang tatlong daliri niya

"Tatlo po bawas isa dalawa na lang po tayo" anito sabay tupi ng isa nitong daliri.

Hindi ko namalayang tumutulo na ang mga luha ko, gano'n din ang anak ko.

"Hi-hindi ko po intindihan papa pero a-ang bigat po di-dito, hindi natin na-napo kita u-ulit si mama" turo nito sa kan'yang dibdib habang humahagulgol

"K-kaya natin 'to anak ha? Andito si papa, pwede mo rin akong tawaging m-mama" niyakap ko ito

"Papa, wa-wala na po tayong kasama pupunta ng park, wala na p-po ako papagalitan kasi pasaway nomnom ng g-gamot, wala na po y-yayakap sa atin lagi, wala na po mag-aayos ng b-buhok ko, papa w-wala na po mama" ramdam ko ang bawat agos ng luha sa kan'yang mga mata, sobra sobrang bigat makita kang nasasaktan anak ko

"God has his plan anak, hindi man natin alam kung ano ang rason niya, pero alam kong meron na mas maganda. Lagi mo po tatandaan na there's always a reason behind everything" habang hinahaplos ang likod nito hanggang sa makatulog

Sa paglipas ng napakasalamuot na pangyayari ay hindi ko dapat makalimutan na isa pa rin akong ama.
Tatapusin ko lang ang kontrata ko sa piinagtatrabahuhan ko saka ko itutuon ang buong atensyon ko sa anak ko. Gusto ko sanang ipagkuha ang anak ko ng makakasama niya sa bahay habang wala ako ngunit malaki na raw siya kaya pinilit niyang hindi na, wala naman akong magawa kundi pagbigyan siya, ang strong independent kong anak.

Unang balik ko ulit sa trabaho at friday ngayon, nagulat ako pagkauwi sapagkat ang anak ko ay naghihintay sa labas ng pintuan habang hawak ang teleponong tumutunog ang alarm. Kung ang dating 5pm na alarm para sa mama niya this time naman ay para sa akin. Pinaliwanag niya na ang set alarm niya ay para raw sa oras ng paguwi ko every friday dahil ibig sabihin daw nito ay weekend na kinabukasan at makakasama na niya ako ng mahabang oras at matagal. Naging routine na ito ng anak ko at ang sarap sa pakiramdam na pagod ka galing trabaho tapos may sasalubong sa'yong yakap. Lahat ng pagod ko ay napapawi at nagiging pahinga. Nasanay na rin siyang tuwing uuwi ako after niya ako yakapin ay hahaplusin ang mukha ko at kinakabisado ito.

Embracing Certainty Where stories live. Discover now