Chapter 14

4 0 0
                                    

Hindi ko rin naman madeadma si Klev dahil baka atakihin ako ng tanong ni Alen, I need to be civil. Ayoko siya tawagin sa sabi niyang Zyden, may nanunumbalik akong alaala.

"Okay na Zyden, pinakilala ka na niya sa akin kanina"

Manahimik ka na nga lang Alen, 'yong bibig mo pasmado na lang palagi.

"Oh really?" nakangiti nitong sabi "What did she tell you?"

"You're the head of engineering department" sagot naman ni Alen na nakapagpawi ng ngiti ni Klev.

Dumating na agad ang order na nakapagpatigil ng usapan.

Ang lahat ng ito ay nakaserve na, kukuha na sana si Alen ng....

"Let's pray first" ani Klev.

Nagdasal kami ng tahimik at pagtapos ay magsasandok na ng foods.

Pinagsandukan ako ni Alen ng kanin.

"Tama na 'yan" wika ko

Pinagsandukan niya na rin ang kaibigan ko, what a gentleman of you Alen.

Habang nagsasandok pa lamang siya ng kanin sa plato niya ay kinuha na ni Klev ang sandok ng ulam.

Sinandukan niya rin ako at si Erin. Para siyang nakikipagcompetition na may gustong patunayan, para ka lang ewan sa ginagawa mo Klev.

Napatingin si Alen sa kan'ya na nagtataka. Hinayaan niya na lamang ito.

Tahimik na lamang kaming kumain. Pagkatapos kumain ay nagdasal ulit kami, Klev is such a prayerful person talaga kahit no'ng kami pa lang. He used to pray before and after we eat. Uhm, erase erase it's a shadow of the past.

"Anyways, anong sadya niyo rito ngayon?" tanong ni Klev kay Alen nakafocus ang tingin

Grabe 'yong tension ha?

"We have a deal ni Rai and that is to treat me here. How about kayo, bro?" sagot ni Alen, wow bro ah.

"We were expecting to have a meeting with someone sana pero nagmessage na postponed daw kaya nakitable na kami sa inyo" explain nito, tumango na lang si Alen ss kan'ya.

Hindi naman kasi kami ni Erin makatiempo mag-usap dahil nga uncomfy.

Hindi ko rin inaasahang na sa muling pagkikita namin e ganito.

Nagpaalam muna akong pumunta ng comfort room.
While I'm on my way there ay tumayo rin si Klev, I don't know kung saan siya pupunta at wala akong pakealam.

Pagtapos ko sa cr ay lumabas na ako and I saw Klev there nakasandal sa pader nakacross pa ang braso, mukhang may hinihinta siya.

Dirediretso lamang ako at lalagpasan ko na sana siya

"Can we talk?" wika nito in a soft voice

Hindi mo na ako gano'n kadaling makuha sa gan'yan, Klev. I learned my lesson.

"About what? Are you ready to tell me your fvcking reasons na ba? Cause If you're still not, don't waste my time. Be brave kahit isang beses, Klevor Marc" direct to the point kong sabi sabay talikod sa kan'ya.

Sounds bitter but that's what I want to express, kesa magpanggap ako sa kan'yang ayos na.

Hinayaan niya lang din ako ulit.

Sabay sabay na rin kaming lumabas sa restaurant at iisa lamang ang tinatahak naming daan nila Alen at Erin. Si Klev ay iba ang direction ng uuwian.

"Tahimik niyo, hindi ako sanay. Nagbagong tao bigla ah" biro ko sa dalawa habang naglalakad, hindi kasi makabasag pinggan.

"Baka kasi prefer niya ng tahimik lang" biglang nakangiting nagbibiro ni Alen Kay Erin.

At ayan na siya nagsisimula na, nagpapagoodshot lang naman pala ang kuya ko.

"Nope, remember si Raiah ang kaibigan ko paanong magiging tahimik ang buhay ko" sabay peace sign nito sa akin

Grabe na kayo sa akin, watch and learn guys. Bukas na bukas hindi na.

Hindi na talaga ako tatahimik, maingay pala ah okay noted, eme.

Tawang tawa naman si Alen, daya niyo ah ngayon magkakampi na kayo:(

"Atleast maganda" saad ko Kay Erin

"Pero walang jowa" tumatawang sagot ni Alen

At nakitawa pa ang mahal kong bff, parang kayo hindi single ah?

Pero kung kayo magkakatuluyan, k bye.

"Weh ba Alen? taken ka, taken?" matitikman ninyo ang higanti ng isang api grrr, eme.

"Parang natagpuan ko na nga 'yong magpapabali ng pagiging single ko eh" habang tumatawa niyang sabi para magibng biro ang dating nito

Waittttt, ako lang ba? pero kasi I saw it, I definitely saw it.

Nakita ko na kasabay ng pagngisi niya ang pagtingin niya kay Erin pagkatapos bitawan ang mga katagang iyon. Freaking blush, my favorite couple to be.

Embracing Certainty Where stories live. Discover now