Chapter 15

2 0 0
                                    

What a lucky day, ineexpect ko ang muling pagkikita namin eh sa company dahil nasa iisang building lang naman, tapos sa restaurant pala hmm.

Nakauwi na rin kami and I can't sleep.

Paulit ulit nageecho sa isip ko ang mga katagang binitawan niya 'can we talk'. Tapos gano'n na na lang ulit, ang lakas ng loob niyang magsimula ng salita pero hindi niya kayang panindigan.

Nakakainis lang kasi nahit 'yong curiosity ko sa kung anong sasabihin niya, I don't have an idea kasi. I don't know if it is about work or past. Saka na niya ako kausapin kapag kaya niya ng maging matapang kahit hindi na para sa akin, para rin naman sa sarili niya.

Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit hindi niya kayang sabihin. Kakaisip tuloy ng kung ano ano ay nakatulog na rin ako.

Kinabukasan ay back to work na naman. Kung kaya ko lang buhayin sarili ko ng walang pinoproblemang pera edi sana chill lang ang buhay, hays.

Going back to work and there's nothing much happened again, I just checked some papers and then mas marami pa ata ang rest na nagawa ko buong maghapon.

Napakabilis lang kasi maguuwian na naman and this is what I really look forward to kasi guess what?!?!

Naginsist si Erin na kung hangga't magkatugma time ng uwian magsabay sabay na raw kami with Alen and Havenn. Eh kasi naman diba kapag kasabay ko si Erin hindi sumasabay 'yong dalawa, kapag naman sila ang kasabay ko si Erin naman ang hindi. Small world pero ang daming salisihang nagaganap.

Naghihintay na raw si Erin and palabas pa lang kami ng building.

While walking "Raiah, maganda naman siguro ang image ko sa kaibigan mo 'no?" wika ni Havenn na naghihintay ng pagsangayon ko

"Kailan ba naging maganda ang image mo" sabat naman ni Alen sabay takbo palabas ng pinto

And with my two eye, I saw kung paano siya dumiretso kay Erin, ay close na sila? parang no'ng isang araw lang ah?

Or maybe dumadamoves na ang Alen namin hindi na siya torpe, binata na talaga nak.

"Epal eh nakisabat na nga lang" medyo nagtataray na sabi ni Havenn

"Hayaan mo na nga, hindi pa kayo nasanay sa isa't isa" sagot ko na lang dito

Nang makalabas na rin kami ni Havenn ay siya na mismo nagpakilala ng sarili niya, wow bongga ah.

"Erin! Havenn nga pala, walang duda ang ganda mo talaga" namamanghang sabi nito sabay yakap kay Erin

Nagtinginan kami ni Alen sabay kunot ng noo, feeling close agad kasi 'tong kasama namin eh not into hug pa naman si Erin kaya I saw how uncomfortable she is.

Buti na lang ay agad ding kumalas sa pagkakayakap ito.

"Thank you, you too. Nice to meet you Havenn, kilala mo naman na ako so I won't introduce myself na ha" sabi ni Erin

At sabay sabay na kaming naglakad. And cute lang isipin na mukhang eto na ang pinakastable na circle of friends ko, dagdag pa rito si Ravier super happy na talaga.

Puro tawanan ang ginawa namin sa daan, puro kasi kalokohan lahat. Magkakavibes na pare-pareho ring kanal humor. Naging comfortable din agad si Erin sa mga kaibigan ko lalo na kay Alen. They will be a perfect couple, I swear.

Naging routine na naming apat ang umuwi ng sabay sabay, Erin always make a way para makasabay sa amin. She's too clingy on us na rin, it's more likely na she's escaping.

Napapansin ko rin na sobra na ang closeness ni Erin at Alen, kapag naglalakad pauwi may time na  nagpapahuli silang maglakad sa amin. And I don't know if normal pa ba pero kasi mamaw na magact of service si Alen sa kan'ya.

Pinopormahan na ng kaibigan ko ang kaibigan ko.

Isn't it painful? parang ang sakit pala isipin na naging foundation nila ang friendship bago mapunta sa level of relationship kasi once na may nasira, lahat wala na. Pero sa isip ko lang naman, depende pa rin sa taong belong sa relationship nila tss sabit lang ako.

Embracing Certainty Where stories live. Discover now