Chapter 21

1 0 0
                                    

RAIAH's POV

Natapos ang pag-alis ni Erin, I already feel alone. I hugged my pillow and start to imagine things para makatulog. It is one of my coping mechanisms when I can't go to sleep. In imagination we can make everything right, there we can change the story of our life, bringing a certainty to everything.

I created some fake scenarios in my mind but it doesn't work. I've got my phone and start playing a song, sana magwork ulit.

Saturday morning, pupunta ako kila Havenn because it's her sister's 18th birthday. Alen and I were invited, magwawaze na lang siguro kami mamaya papunta hindi naman namin alam ang bahay nila.

Nakalimutan kong bumili ng gift special occasion pa naman, bongga 'yon kasi debut. Dadaan na lang kami mamaya.

I'm done preparing, I wear silk backless dress because the theme was party theme. I also put cardigan para hindi revealing, maybe later I'll remove it na lang kung maisipan ko pa, mas okay na rin siguro 'to.

Susunduin ko na lang si Alen sa kanila using Erin's car. Waze is my buddy talaga sa ganitong instance.
Nang masundo siya ay saktong may nadaanan kaming mall. Bumili na lang ako ng  pandora necklace dahil wala na akong maisip na present.

We arrived at Havenn's house safely, smooth ko magdrive 'no.

Nakakasuprise naman pala talaga ang debut ng kapatid niya, hindi lang basta bongga, bonggang bonga. Ang daming bisita, parang puro college age pa lang. May mga parang kasing edad ko rin akong nakikita. Sobrang yaman pala talaga nila Havenn, anglaki ng bahay nila but ang humble niya rin. Nakwento niya rin pala na grounded siya kaya wala siyang car na ginagamit kaya naforce siya magcommute and mas gusto niya na ngayon.

"Heyy Alen at Raiah, come on don't be shy labas ang makapal na mukha" salubong sa amin ni Havenn

"Ikaw lang ata meron niyan Havenn" sagot ko habang tumatawa

"Naimpluwensiyahan ka na talaga ni Alen" wika nito

"Nadamay pa ako, tahimik na nga ang tao" nagppout na sabi nito hahaha nakakatawa reaction niya

Hinampas na lang siya ng marahan ni Havenn at saka hinila ang mga kamay namin papunta sa isang table na hindi pa occupied at saka kami umupo.

"Hay salamat nakaupo rin, pagod na akong magaapproach ng bisita" reklamo ni Havenn

"Ako na ang gagawa para sa'yo, maghunt na rin akong pogi" saad ko

Napawow ang dalawa kong magaling na kaibigan, hoy ready to mingle naman na ako 'no wala lang sumusubok ulit.

"Gulat na gulat, I'm single and ready to mingle" binitawan kong motto sa kanila

May dumating ulit na mga bisita isang grupo ng kalalakihan and inasikaso ulit ito ni Havenn, ang available pa na table ay katabi ng table namin kaya dito sila ngayon nakapwesto malapit sa amin.

May isang lalaki na bumulong kay Havenn, hindi sa chismosa nakikita ko lang sa peripheral vision ko.

Ang tahimik na Alen infairness, mukhang nangungulila na.

Bumalik sa pwesto namin si Havenn and tinuro niya 'yong lalaki na bumubulong sa kan'ya kanina na gusto raw ako makilala. She ask me kung pwede  and pumayag naman ako, kikipagkilala lang naman 'no.

Tinawag ni Havenn 'yong guy and 'yong inuupuan ni Havenn sa tabi ko ay inalisan niya which is why para makaupo ang guy sa tabi ko, lumipat si Havenn sa kabilang side ni Alen.

Ako na ang unang naglahad ng kamay "Hello, pleased to meet you. I'm Zhamahra"

Ayoko magpakilala agad ng Raiah na ang alam na tawag sa akin.

"You're beauty shines brilliantly tonight, Zhamahra. Nice to meet you too, Dreixt pala" sabay kuha nito sa kamay ko and kissed it

I was shocked for a moment but I just make myself calm down and think na it's a sign of respect naman kasi talaga. Nagulat din ang mga kaibigan ko na kanina ng nagdadaldalan eh natahimik nakita siguro.

Magsasalita pa lamang si Dreixt ng may marinig kaming maliit ng ingay. I saw Klev na mukhang galing sa loob ng bahay ni Havenn and 'yong ingay ay dahil sa pagpull nito ng chair na malapit din sa amin. Kumbaga our table is in the middle. Sa right side ang tropa siguro sila ni Dreixt and left side ang table na pinwestuhan ni Klev and other na kasama niyang guy and one girl.

Bakit siya nandito? Wala naman akong pake, mind my own business na nga lang. So balik ang focus kay Dreixt.

Ayos siya kausap and formal lang din naman ang paguusap namin ng random na topics. Nakakailang kasi natatanaw ko rin sa peripheral vision ko si Klev. The way he swallow hard and his serious look. He's now holding glass of wine, mamaw hindi pa nga nagsisimula ang party.

Speaking of... lumabas na ang emcee and the program started, hindi naman kami kasali invited lang talaga. Marami na rin daw kasing friends ang kapatid niya kaya puno na ang 18 eme.

Nanood na lang kami sa flow ng program and afterwards ay kakain na. Bago pipila sa pagkainan ay iniabot ko na ang regalo and sobrang pretty ng kapatid ni Havenn, parang diwata eh.

May after party pa pala mamaya, for sure inuman ang ganap niyan.

Embracing Certainty Where stories live. Discover now