Chapter 2

10 0 0
                                    

"Ay oo nga my bad, sorry ang rude ng bunganga ko buti na lang u cut me off"  wika nito

Oo, Erin! Sobrang rude nga to the point na ako na mismo papatikom ng bibig mo. Dili na lang manahimik eh babangit pa sana ng past.

"Hayaan mo na.Basta bukas ha, you're going to treat me" ligaw ko sa usapan

"Okay fine, whatever that sugar munch cake na sinasabi mo, let's have it tomorrow" sabi niya na tila napilitan pa

Bilis talaga kausap ni Erin.

"Love you na talaga my one n only bff in the world, the best ka pa sa best!!!" sabay hug kay Erin

"Ahhhhhh Zhamahra Mneshia stop it, you're so annoying" ani Erin habang nakayakap ako sa kan'ya, hindi rin naman makapalag

Hindi talaga gusto ni Erin ang hugs, she hates it.

Our dinner was all prepared, we're just going to eat then as usual go to bed na afterwards, that's how our life went every day.

Luckily, mababago na ang routine na nakasanayan namin. Hindi naman kami dapat malungkot kasi magkasama pa rin kami ni Erin, by Monday kasi ay mag-start na kami sa company nila, ang nag-iisang company ng Daddy niya rito sa Pilipinas.

It's saturday morning, we just woke up and our plan for today ay ang magshopping.

Tapos na ako mag-asikaso ng sarili that's why guguluhin ko muna si Erin sa room niya.

Sa sobrang prepared ni Erin hindi naman halatang excited siya. She's there standing in front of the mirror and I can't deny the fact na maganda talaga siya lalo na sobrang simple niyang tignan. Umupo ako sa kama niya para panoorin siyang magayos ng sarili niya. Mas lalong nakita ang curve ng katawan niya dahil sa suot niyang fitted dress and the way her hair tucked behind her ear wasssss like ahh never mind, basta nastarstruck na lang ako.

"Kung nagagandahan ka sa'kin hindi naman masama umamin, pero alam ko namang sanay ka na sa kagandahan ko araw-araw kaya, THANK YOU!" inhighlight pa nga talaga

Ang hangin nga naman.

"WOW! pero yeah actually, you're so gorgeous, Erin" and by all means, it came from my heart

Mas lalo lalaki ulo neto.

Natatawa na lang ako ng random sa naiisip ko eh, magmumukha pa akong alalay ng babaeng 'to mamaya. I'm just wearing t-shirt and denim short lang kasi, we're going to the mall lang naman eh.

"Why are you laughing? And god Raiah, we're going to the mall, hindi sa tabi tabi lang" tinignan pa ako mula ulo mukhang paa, I mean hanggang paa pala

"Napuri na nga kita, napuna mo naman ako. Tsaka mag-shoping lang naman tayo ayoko naman maging oa manamit tsaka ang init init, okay na 'to" sabay tucked in ng t-shirt ko sa short ko

"It's not oa, it's kinda good outfit choice to look more presentable naman kahit papaano" panenermon nito sa akin

Wala naman problema as long as I'm comfortable with it, wala naman akong tinatapakang 'no.

"Shhh it's okay, Erin. Hindi ko kailangan magsuot ng magara para makakuha ng atensyon nila. I AM MINE not theirs to worry" sabay higa ko sa kama niya

I saw the pain behind her smile "I hope gan'yan din pananaw ko sa buhay, how to be like you po ate" she laughed a li'l bit after saying that

It's melting my heart to be called "ate" by someone because it makes me feel like I'm complete, not just about having one but having a family. All my life, I didn't know what it was all about. But the only reason I am still surviving is because the girl within me is trying to find an answer to everything.

"You don't need to be, you're good enough just the way you are. Let's go na ngaaa, Erin" tumayo na ako para ayain siya palabas

It's really rare for us na magseryoso ng ganito, but I felt relieved every time we did kasi atleast for a little moment of time, nakikita ko si Erin sa ibang aspeto.

Oh wait! I didn't mention it pala but yeah Erin owned a car, livin her best life ba? hindi ko sure, hindi natin sure. So she's the driver and I'm her passenger seat

Medyo malayo rin kasi ang Mall sa bahay namin, almost an hour ang byahe. Hindi ko naman pwedeng guluhin si Erin sa pagdadrive. Ang nakakaloko lang inaantok na kasi 'yong tao tapos biglang....

"Kinukulayan ang isipan, pabalik sa nakaraan
'Wag mo ng balikan, patuloy ka lang masasaktan...."🎵🎶🎵

Imahe by Magnus Haven playing....

Really?!? nagsoundtrip na nga, what a good song choice pa. Hindi na kita matansya Erin sa dami ng hinanakit mo, I prefer to say na your pain was still untold nga talaga.

"I'm sleepy, Erin. Nakakabuhay ng diwa tugtugan natin ah" I playfully sounded it sarcasm

"Tayo ay pinagtapo ngunit hindi tinadhana, sadyang mapaglaro itong mundoOoOo" sabay na kanta ni Erin

Pero parang magandang idea, sabayan ko na lang nga trip niya tutal hindi rin ako makakatulog sa ganitong instance.

"Kinalimutan kahit nahihirapan
Para sa sariling kapakanan
Kinalimutan kahit nahihirapan
Mga oras na hindi na mababalikan" kanta naming dalawa habang dinadama ang tugtog kahit hindi naman kami relate, or baka ako lang.

And after a long tiring ride, we're already here at the Mall. After namin mag-park ang unang target namin puntahan ngayon ay cafeteria.

Nasa door pa lang kami papasok ng cafeteria and I saw a familiar face but I don't know if siya talaga or I'm just mistaken, but I guess....

There's this guy na tumatakbo papunta sa amin, revealing his manly body in his fitted casual attire."Erin and Raiah omg girls, it's been a long time. Grabe walang pinagbago, mas lalo kayong gumanderls haller gan'yan pala epekto ng hangin dito sa Province nakaka-fresh. Wait magiimpake na ako, I do love to live here!" akala mo talaga kayang iwan ang siyudad

Surprisedly, he's gay and we find him happy to get along with. He's Ravier, our college friend, we've been together since first year till graduation. Nakahiwalay lang because we need to grow apart, you know adulting, nag-work na rin kasi agad siya right before makagraduate.

"I want to cry, I miss you" ani .... habang payakap pa lang sana kay Erin

Erin gave Ravier a furrowed look "No way! Don't come near me, it's irritating"

"You're still not into physical touch, halatang hindi na sumugal ulit after ng trauma kay n-" hindi na natuloy ang sasabihin niya dahil bigla siyang pinutol ni Erin

"N-akakahiya sa mga tao pinapanood tayo, umeeksena na nakatayo lang tayo rito, let's have a seat muna kaya 'no"

"Sabagay tama ka, doon tayo sa table ko. Naka-order na ako ng sa akin, mag-add na lang tayo for both of you" ani Ravier

We all agreed but still, I gave Erin a puzzled look while going right through the table, bff ako neto pero I don't have any idea kung sino ang tinutukoy ni Ravier. Erin just gave me an reassuring smile na i don't need to worry about that matter. But of course no, hindi ako papayag, I'm her bff at all cost.

Embracing Certainty Where stories live. Discover now