Chapter 4

7 0 0
                                    

Is that the reason kaya hindi niya sinabi?

Bigla na lang kinaway ni Ravier ang kamay niya sa harap ko kaya bumalik ako sa katinuan, nakatulala na pala ako. I was still shocked of the revelation kasi, my mind ain't minding huhu.

Dugtong ni Ravier "Hanggang doon lang kasi nakita na ako nila Erin, after that umalis na 'yong kasama niya. And alam mo ba naiwan kaming dalawa ni Erin, that day for the first time I saw the vulnerable side of her. Buti hindi niya ako iniwang clueless, nag-kwento naman siya.....pero slight lang" tila nanghihinayang pang sabi niya

"That day ko rin pala na-realized na belong pala si Erin to the club. Ibabandera ang watawat!" nagwagayway nga ng invisible flag niya

Grabe sa sobrang talkative, grabe details with action pa nag-kwento.

So now, I get it kaya pala hindi na natuloy si Ravier dahil nastranded sa chismis the day na bibisita lang sana siya dahil nga babalik din agad siyang city, the day na nagpaalam din si Erin umalis para pumunta sa company para mag-ayos ng papers namin, na hindi naman pala ayon talaga ang sadya.

"Is that the girl previously, the waitress?" tanong ko pa pero sa totoo lang, it's obvious naman.

Tumango na lang siya and sinenyas ang nasa likuran ko. Nakita ko si Erin na pabalik na sa table namin, mukhang nagretouch sa cr dahil?

Baka galing sa kakaiyak.

Enough na muna ang nalaman kong information, saka ko na ioopen kay Erin if she's ready na, mukhang affected pa rin siya ngayon.

Bigla na lang kinuha ni Erin ang kan'yang coffee "Guys, next target na" tila excited niyang wika

Napagpasyahan naming magshopping na, iyon naman talaga kasi ang pinunta namin here, sumama na rin sa amin ang bading baka raw kasi kapag nagsolo siya may makabingwit sa kan'ya rito sa mall. Akala mo isda lang ang atake eh.

Sobrang dami na naming bitbit, napakagastos talaga ng mga 'to. Lakas makaimpluwensiya, I kennat.

After shopping all day, last na naming pinuntahan ay ang cake store. Syempre save the best for the last, my sugar munch cake supremacy. We just bought it and ate it right away. Hindi na nakasama si Ravier sa bahay because quality time raw sila ng family niya, Sunday is for family day ani niya.

Saturday has been a tiresome day kaya pagkauwi ay agad bagsak ang katawan namin ni Erin.

Linggo ng umaga we just put all our things sa luggage bag, we're moving from the city. Sa bahay nila Erin ako makikitira habang wala pa akong nahahanap na tuluyan there. Around afternoon naman ang naging byahe namin papunta sa bahay nila Erin.

It's been a long time na makatungtong ulit sa siyudad. Ang tagal na rin kasi college pa ako before. Nakakapanibago lang, the environment is much way different from the province.

Hindi ako makapaniwala na sobrang yaman nila Erin pero their house is so simple, down to earth people I guess. It's a traditional house, a simple but elegant one. Walang nakatira, kumbaga natutuluyan lang kapag umuuwi ang parents niya. Ah kaya pala sa bahay ko tumira, takot ata sa multo 'to.

Nothing much happened, pahinga lang din ang ginawa namin pagdating sa kanila and this time magkasama na kami sa iisang kwarto, without sharing of bed ofcourse.

Lumipas ang linggo and syempre welcome to Monday, start na ng work. Kahit sa Daddy ni Erin ang company, dumaan kami sa fair process para makapasok dito, we don't believe in connections.

Waking up early in the morning, having a coffee and egg sandwich are a perfect combo. Tulog pa si Erin and ayoko naman istorbohin dahil maaga lang talaga akong nagising, not excited but uhm sabihin na nating I'm looking forward kasi to out of my comfort zone, meeting new people, you know. For sure magagamit ng malala pakikipagsocialize ko mamaya, sana walang mataray na taong maencounter.

Habang natutulog pa si Erin, nagluto na ako ng breakfast namin. Inasikaso ko na rin ang sarili ko para si Erin na lang ang magprepare mamaya.

Naging mabilis lang ang kilos namin ni Erin and nakarating na agad kami sa company na pagtatrabahuhan namin, walking distance lang from their house to the building. Here we comeeee!

Nakakamangha pa rin talaga makakita ng malaking building and I'm now standing in front of it with my mouth open, eme nabibilib lang talaga.

Nangangawit na ang bibig ko, sa lahat kasi ng makakasalubong I used to give their my warmth smile.

Pagpunta namin ni Erin sa information office, inassist kami papunta sa office na papasukan namin. Akala ko magkasama kami ni Erin, magkaiba pala kaming office, nakakalungkot naman. Pero it's totally acceptable naman, magkaiba kasi kami ng course na natapos. I'm in the finance department and si Erin ay sa engineering department.

Before I let in sa office inayos ko muna ang sarili ko, posture, smile and the energy giving an extra vibes, check lahat perfect!

Kakatok pa lang sana ako sa door ng biglang...

"Ouch! ano ba naman 'yan" sabi ng babae in a rage tone sabay check ng phone niya

May babae kasing palabas ng door at sa kasamaang palad pakatok pa lang ako kaya sa kan'ya tumama ang kamay ko.

Para akong tinakluban ng langit gusto ko na lang pabaon sa lupa, O M G! unang pasok pa lang ganito na agad ang nagawa ko, pero ahhhh hindi ko naman sinasadya.

"I'm sorry ma'am, sorry po" sabi ko ng nakayuko

She just left me there, binangga pa ako.

Sinusubok agad ako, oh jusko. Alam kong ako ang responsible sa nagawa kong action pero nagapologize naman ako, hindi ko rin naman ginusto 'yon. Nakakainis hindi dahil nabangga ako pero nakakainis kasi hindi ko magawang magalit dahil alam ko namang mali ko rin and baka kasi nagmamadali siya dahil may problema.

Embracing Certainty Where stories live. Discover now