43

293 5 0
                                    

༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶
Chapter 43
༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶

Edwyn Patterson


“Hindi na muna ako makakasama sa mission natin.”


“At bakit? Nakaplano na pagsugod natin. Hindi pwedeng wala ka roon,” saad ni Yichen.


“Tama si Yichen. Isa ka sa magaling sa ating makipaglaban,” singit pa ni Haris.


Gusto kong magpaalam sa mga kaibigan ko na sasama ako sa mag-ina ko sa probinsya nila. Gusto kong makilala ang magulang ni pumpkin. Gusto kong makita rin ang probinsya nila.


Gusto ko rin hingin ng maayos sa magulang ni pumpkin ang kamay ng panganay nila. Gusto kong ligawan din ang magulang in case na hindi nila ako gusto para sa anak nila. Gagawin ko ang lahat para bigyan nila ako ng basbas na makasama ng habang buhay ang anak nila.


Gusto ko ng mamuhay ng tahimik. Malayo sa gulo dahil hindi deserve nila pumpkin ang buhay na magulo. Gusto ko silang mabigyan ng mpayapang buhay at normal. Walang gulo at tahimik lang at walang takot.


Gusto ko ng mag-settle down kasama sila. Handa akong buhayin silang mag-ina ko hanggang sa kaya kong magtrabaho para sa kanila. Gagawin ko ang lahat para maging masaya sila. Gusto ko ng mabuhay ng tahimik nahanap ko na ang para sa akin kaya wala ng dahilan para mamuhay pa ako ng may tanim na galit sa puso.


“Sasama ako kala pumpkin . . . pauwi sa kanila,” saad ko.


Ngumiti sila at napailing. “Kaya gusto mong hindi sumama sa amin?”


Tumango ako. “I’m sorry.”


“Pre, naiintindihan namin pero last na ‘to. Ito na ‘yung pinakahuling mission natin,” seryosong saad ni Louis.


Napabuntong hininga ako. Tama siya, ito na ang last pero ayaw ko na. Ayaw ko sa ginagawa namin. Hindi ko alam kung bakit pero simula ng magkaayos kami ni pumpkin ay hindi ko na naisip pa ang mga may taong may kasalanan sa may may pamilya ko.


Natabunan lahat ng galit ko dahil kay pumpkin. Napalitan iyon ng masaya, dahil sa kanya binigyan niya ako ng dahilan para magbago pa. Siya ang babaeng nagpabago sa akin kaya ayaw kong mawala pa siya ulit. Ayaw ko ng maghintay na naman ako ng pitong taon.


Para akong bibitayin kapag nangyari ulit iyon.


“Ed, huwag muna ngayon. Last na ‘to,” biglang saad ni Airell at mukhang sang-ayon siya sa sinasabi ng mga kaibigan namin. “Last na lang naman na ‘to at pwede mo na ulit makasama ng payapa sila. Kahit kami rin naman ay nagtitiis! Kaya makisama ka naman!”


Akmang sasagot sana ako ng biglang may pumasok sa bahay namin kung saan namin na buo ang friendship na hindi ko akalain na titibay at mas lalago. Kumunot ang noo ko dahil humihingal sila ng makarating.


“Anong nangyari sa inyo?” tanong ni Yichen at hindi na napigilan pang tumayo at lumapit kila Cheyenne.


“B-Bad news,” hinihingal nitong saad.


“Bakit?”


“Ed, nasa alanganin ang pamilya mo at ganun din si Liam. Nakuha sila ng kalaban.”


Para akong nabuhusan ng isang baldeng malamig na tubig dahilan para mamutla ako at hindi makagalaw. Napakurap-kurap pa ako ng ilang beses bago maproseso ang sinabi nila. Napasabunot ako sa buhok ko at kinain ng takot at pag-aalala ang buong pagkatao ko.


Dangerous Man 1: Edwyn PattersonWhere stories live. Discover now