38

301 7 0
                                    

༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶
Chapter 38
༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶

Edwyn Patterson

Habang tumatagal ay mas lalo lang lumiliit ang mundo namin ng mga kaibigan ko. Araw-araw kaming nakakatanggap ng mga pagbabanta. Napakuyom ang kamao ko, ang kakapal naman ng mukha nilang sila pa ang magbanta sa amin imbis na kami. Saan ba sila kumukuha ng kakapalan ng mukha? Mas lalo lang nila kaming ginagalit.

Pinunit ko ang papel na may nakasulat pagbabanta. May kasama rin iyong munting regalo at puro dugo lang ang nasa loob no’n. Pinapakulo lang nila ng mas matindi ang dugo namin. Kapag talaga kami napuno, hindi na namin kasalanan kung gusto na nilang maagang mamaalam sa mundo.

Hindi na namin kasalanan kung sa oras na nahanap namin sila ay iyon na ang huling araw ng mga buhay nila dahil sisiguraduhin ko na iyon na ang magiging huling hininga nilang mga putang ina!

Kaya kong lumaban, kaya ko. Ang kinatatakutan ko lang ay baka mawalan na naman ako ng taong mahalaga sa akin. Napamahal na rin sa akin ang taong hindi ko inaasahan na makikilala ko at makakasama ko.

Nang una hindi kami magkakakilala nila Yichen, Haris, Louis, at Airell. Basta ang alam ko lang ay ka-business partner ng magulang ko ang pamilya nila. Hindi ako mahilig makipagkaibigan kaya wala akong ibang kinakausap bukod sa kapatid ko at sa magulang ko.

Pero dahil sa isang pangyayaring iyon ay nabuo kaming lima at naging kasapi rin ang mga kapatid namin. Dahil na rin sa kagustuhan naming magkaroon ng hustisya ang nangyari sa bawat buhay namin ay nagkaisa kami. Nagtulungan kami, pero dahil bulag ang mga tao sa pera natalo kami sa kaso.

Mas lalong nanuot sa loob namin ang galit, mas lalo lang kami naging determinadong gawin ang lahat ng paraan para makuha lang ang hustisya. Pero ang hustisya na gusto naming makamit ay nauwi sa sarili naming batas. Gumawa kami ng sariling batas. Bats na, kung hindi namin magagawan ng paraan sa tamang proseso gagawin namin kung anong maling proseso para lang makapag higante.

“Airell, nakakuha na ako ng impormasyon,” biglang sambit ni Louis kaya napatingin ako sa screen ng laptop ko.

Nagkaka-video call kaming lima. Dahil may kaniya-kaniya kaming mga binabantayan ay nagkasundo kaming mag-usap na lang sa video call. Hindi naman kasi namin pwedeng ipagkatiwala sa mga bantay namin ang lahat dahil tao rin sila na pwedeng mamatay kahit anumang oras sa oras na sumugod ang mga kalaban.

“Anong nahanap mo sa gagong iyon?” Ako agad ang nagtanong ng matahimik sila. “Kasapi rin ba siya sa kasamaan ng Ama niya?”

Umiling si Louis. “No, base sa impormasyong nahagilap ko about sa kanya. Gago lang yata talaga siya pero hindi niya gusto ang ginagawa ng Ama niya.”

Bakit parang hirap naman yata paniwalaan ang sinabi ni Louis? Lalo na’t Ama niya ang may kasalanan. Galing siya sa pamilyang hindi dapat mapagkakatiwalaan. Pamilya ng kasamaan.

“What do you mean, Louis?” tanong ni Airell.

“Katulad natin ay sinubukan na niyang ipakulong ang Ama niya dahil hindi niya masikmura kung anong kasamaan ng ginagawa ng Ama niya pero dahil mayaman sila ay tinapalan siguro ng pera ng Ama niya ang korte para hindi siya makasuhan at makulong,” sagot nito.

Lahat kami ay natahimik ng tuluyan sa sinabi ni Louis. Mukhang nag-iisip din sila kung dapt bang isali sa plano namin ang hayop na Guen o hindi. Kung hindi kasi sila madadala sa maayos na pakiusap ay baka mauwi sa kaharasan ang plano para lumabas sila sa mga lungga.

Dangerous Man 1: Edwyn PattersonWhere stories live. Discover now