15

639 11 0
                                    

༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶
Chapter 15
༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶

Akala ko pa naman kung ano pero ‘yun lang pala ang sasabihin niya. Hindi ko tuloy alam kong dapat ba akong matuwa o magalit. Para kasing baliw kasi. Baliw siya pero mas may ibabaliw pa pala ang lalaking ito. Kaloka siya. Kaya pala niyaya niya ako dahil ito pala ang ice-celebrate namin. 

Hanggang ngayon ay hindi ako maka-get over dahil may halaga ‘yun sa kaniya. Akala ko wala dahil ng kinuha naman niya ako ay hindi pa medyo maayos ang pakikitungo ko sa kaniya. Sin ba kasi ‘yung matutuwa sa ganun? Pero hindi ko akalain na aabutin ako ng isang buwan sa puder niya.

Halos hindi ko na nga binibilang kung ilang araw ko na siyang kasama dahil nae-enjoy ko ang makasama siya. Yeah, halos one month na pala. One month na akong nasa kanyang puder. One month ko na ding hindi nakakasama ang pamilya ko. Nami-miss ko sila pero nasasanay na akong nasa tabi ng baliw na ito.

Dapat ko ba itong… A. Ikabahala? Or b. Ikatakot? Or letter c. Iwasan? Or letter d. Go with the flow na lang at hayaan ang tadhana ang magdesisyon kung ano man ang magiging kapalaran namin?

Pipiliin ko ba ang a, b, and c? Or d? Hayst! Ang complicated ng love. Ba’t ba ganito? 

“Ang sarap mong sapakin! Bwisit ka!” Hinampas ko siya. Kanina pa niya ako inaasar at napipikon na ako. HIndi na siya nakakatuwa. Naiinis na ako.

Natatawang hinalikan niya ang noo ko ng makitang seryoso na ako at hindi na sinasabayan ang lahat ng pang-aasar niya sa akin. “Pero mas masarap pa din akong kainin, pumpkin. Kung sapak iyan ng pag-ibig mo, halik, at yakap ay willing akong magpabugbog. Pwera na lang siguro kapag kinakain na kita, lalaban ako.”

Ang corny na ewan niya. Naninibago ako. as gusto ko pang parang manyakis siya kaysa naman sa ganito siya. “Yuck! Kadiri ka!”

Nagsalubong ang kilay niya dahil sa sinabi ko. Nagbibiro lang naman ako sa sinabi ko. Pero mukhang hindi niya yata nagustuhan ang lumabas sa aking bibig. Eh, sa hindi ako sanay sa mga sinasabi niya mukha siyang mais na ewan.

"What?" tanong ko dito tapos nagkibit balikat ako.

Kinuha ko sa kanya ang cake at hinipan na ang apoy ng kandila para mamatay dahil tumutulo na iyon sa cake. May mga natira pa kasing nakasinding kandila. Nilapag ko iyon sa lamesa at agad na hiniwa. Simple lang ang design ng cake na ito pero para sa akin ay nagustuhan ko. Mas gusto ko ang simple kaysa sa isasakit ng mata ko.

Dahil sa ibaba ng cake ay may nakalagay doon na monthsary. Natawa ako. Tapos inikutan iyon ng kulay pulang laso at sa ibabaw ay may nakalagay ulit na monthsary pero may name namin tapos naka-design doon sa gitna ang maraming nakatusok na puso at napapalibutan ito ng pulang bulaklak na pwede mong makain din.

Mas lalo akong natawa, hindi ko alam na mahilig siya sa ganitong cake na design. Ang baliw na ito ay lagi akong ginugulat sa pagkatao niya. Nakakatuwa siya na nakakainis minsan.

"Hey, wala ka bang balak na tikman ang cake na binili mo?" tanong ko kay baliw na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin at nakasimangot. "Masarap 'yung cake. Come here! Tikman mo dali! O baka naman," ngumisi ako dahil sa naisip kong kalokohan. "Ako ang gusto mong tikman? Or with cake?"

Akala ko kakagat siya sa panlalandi ko pero nanlaki ang aking mata ng inirapan lang ako nito. Lah?! Inirapan niya ako? Itong baliw na ‘’to namumuro na siya. 'Tsaka ito nagsimulang maglakad papunta sa may parang silungan ng yate dito sa itaas. Ngunit hindi pa siya doon nakakarating ng biglang bumuhos ang ulan.

Dangerous Man 1: Edwyn PattersonWhere stories live. Discover now