26

442 17 0
                                    

༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶
Chapter 26
༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶


“Will, ‘yung anak ko.”


Niyakap niya ako dahil kanina pa ako panay iyak at hindi tumitigil. Kanina pa rin tumutunog ang cellphone ko. Tumatawag sila Mama at nakikibalita sa nangyari. Pero kahit isa ay hindi ko sinasagot dahil hindi mapalagay ang loob ko.


Kanina pa hindi lumalabas ang doktor na nag-oopera sa anak ko. Duguan siya matapos nilang tamaan ng sasakyan ng lalaking sinubukang sagipin ang buhay ng anak ko. Nasa labas lang kami ng operating room habang naghihintay. Ang anak kong si Lai ay tahimik lang na nakaupo pero alam kong nag-aalala rin siya.


“Shh, they will be fine too,” anas ni Will at hinaplos ang likod ko. Pinaupo niya ako ng anak ko. “Lai, wala bang masakit sayo?”


Umiling ang anak ko. “I’m fine, Tito-Daddy.”


“Lai,” tawag ko sa anak ko kahit lumalabo ang mata ko dahil sa luha. 


“I’m fine, Ma.” Sabay iwas ng braso nito sa akin kaya alam kong may sugat rin siya at ayaw niyang ipakita sa amin. 


“May sugat ka,” nag-aalalang sabi ko at pinahid ang luha ko. Napatingin din si will sa braso ng anak ko at nagtawag ng nurse na pwedeng gumamot sa sugat ni Lai.


“Ma, maliit na sugat lang ‘t—”


“Shut up! May maliit bang sugat na hindi aabot mula siko!” sigaw ko.


Hindi na nakapagsalita pa ang anak ko ng pinagalitan ko siya. Hindi ko kakayanin kung may nangyari sa kanilang dalawa. Kung ang sakit na idinulot ng Ama nila ay nalagpasan ko baka sa pagkakataong ito ay hindi ko na kayang lumaban pa kung sakaling mawala ng isa sa kanila.


Okey lang kahit ako na lang ang masaktan ‘wag lang ang mga anak ko. Kung sakali rin naman na mawala ako ay panatag akong may mag-aalaga sa mga anak ko. Nandyan ang pamilya ko na alam kong handang alagaan ang mga bata kaya pnatag ako kahit anumang oras ay mawala ako.


Hindi naman tumagal ang paggamot sa braso ng anak ko dahil medyo mababaw lang na sugat daw iyon at hindi katulad kay Lew na hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas ang kanyang doktor na nag-aasikaso sa anak ko. Mga ilang minuto na kaming naghihintay at habang tumatagal ay mas lalo akong pinag-aalala.


“Anak, wala na bang sugat na gagamutin?” tanong ko pa ulit.


Umiling ito. “No more, Ma. I'm fine, so calm down. Lew will be fine too.”


Gusto ko silang pagalitan magkapatid pero mas lamang ang pag-aalala ko. Maging maayos lang ang anak ko at panatag na ako. Hindi ko na sila papagalitan sa ginawa nila, maging okey lang si Lew. Sabay kaming napatayo ni Will ng bumukas ang pinto ng operating room at lumabas doon nag-oopera sa anak ko. Muli kaming tumingin sa isa pang doktor ng lumabas din sa operating room.


“Doc, kumusta po ang anak ko?”


“Doc, ang Kuya ko? Okey na po ba?”


Sabay kaming nagtanong ni Will kaya naaptingin kami sa isa’t isa. Hindi ko alam kung paanong pasasalamat ang sasabihin ko sa kanya dahil siya ang sumubok iligtas ang anak ko pero nasagasaan pa rin sila. Sa totoo lang ay kinakabahan ako.


Sa pagkakataong ‘to alam kong mas lalo akong hindi tatantanan niya kapag nalaman niyang may anak kami. Lalo na’t sinabi niyang gusto niya akong bumalik sa kaniya. Gagamitin niya ba ang anak namin para makuha ako?


Dangerous Man 1: Edwyn PattersonWhere stories live. Discover now