Prologue

2.1K 29 0
                                    

༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶
Prologue
༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶


"Bruha! Ano na? Shot na!"


Napairap ako sa pagsigaw ng kaibigan ko sa akin. Nasa bar kami ngayon at walang ginawa kundi ang magsayang ng pera ngayong gabi. Alam kong may tama na kami ng alak pero ayaw pa rin nilang tumigil sa pag-inom.


Wala ito sa usapan na ngayong araw kaming magwawalwal pero nagulat ako after kong mag-out sa work ay nasa labas na sila ng building ng work ko at hinihila na nila ako pasakay sa kotse para raw mag-inom. Balak ko sana na magpahinga agad pagkatapos ko sa work pero dahil may mga kaibigan akong mga baliw ay wala akong nagawa kundi ang sumama na lang sa kanila.


May mga pasok pa kami bukas pero sige lang sila ng sige kakainom. Ako rin ay hindi rin nila tinitigilan kakabigay ng baso ng alak para painumin. Hindi na ako magtataka kung wasak na wasak ako kinabukasan nito at magkalat.


"Oo nga! Shot puno ka ulit!" sigaw ni Des at inabutan na naman niya ako ng isang basong punong-puno.


Putang ina, bakit puro ako? Dinadaya naman yata nila ako.


"A-Ayaw ko na," anas ko dahil nahihilo na ako. Baka hindi na ako makauwi nito kapag sinagad ko pa.


Papagalitan din ako nito niila Mama at Papa kapag nagkataon. Nagkakalat pa naman ako kapag nallasing at hindi alam ang pinaggagawa kapag nahimasmasan ako.


"Bawal killjoy, bruha!" sigaw din sa akin ni Cad.


"Sige na, inom ka na ulit. Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita-kita at mag-inom ay tatanggi ka pa," pamimilit pa ni Abi.


Tumango-tango din si Sab. "Tama!"


Wala na akong nagawa pa kundi ang tanggapin iyon dahil sa pamimilit nila. Apat silang namimilit sa akin at isa lang akong tumatanggi, kaya talo ako. Inis na kinuha ko ang shot at diretsong ininm koo iyon. Napaupo ako dahil mas lalo kong maramdaman ang pagkahilo ko samantala ang mga kaibigan ko ay nagsasayaw sila. Sinasabayan nila ang tugtog na pinapatugtog ng dj.


Napasandal ako sa upuan at hindi ko na talaga kayang uminom pa. Sobra na akong nahihilo at gusto na lang matulog. Wala pa akong hapunan, lintek talagang mga bruha na 'to. Dinamay na naman ako sa kalokohan nila.


"Mga bruha!"


Napatingin kaming lahat kay Sab ng bigla niya kaming tawagin. Kahit antok ay mapupungay koo siyang tinignan.


"Laro tayo? M-May nakita ako sa tiktok 'yung clown na filter ba 'yun?" sabi niya na para bang hindi pa siya sure. "Tapos may nakasaad doon na p-parang utos at g-gagawin niya iyon kapag sa kaniya tumama ang c-clown na filter?"


"Aba, e-ewan namin sa sinasabi mo. I-Ikaw ang nakapanood no'n, eh," saad ni Abi.


Kaya tumango kami. Pinakita sa amin ni Sab ang sinasabi niyang tiktok video. Sumang-ayon silang gawin iyon kaya kahit na umayaw ako ay wala akong magagawa. Kahit nahihilo ay sinubukan kong makipag-cooperate sa kanila.


Tinakpan na muna namin ang aming mga mukha gamit ang palad namin. Tapos nag bilang si Des ng hanggang tatlo lang at doon namin inalis ang palad namin sa mukha. Naghiyawan sila ng sa akin tumama ang clown na 'yun. Nahihilo ako sa sobrang pagkagaslaw nila lalo na't niyuyugyog pa nila ako.


"R-Rai, kailangan mong mag-send sa random guy na, 'I like you. Do you like me too?' Then sent ka ng picture mong sexy sa lalaking iyon," lasing na sabi ni Sab at napangisi pa.


At dahil sa kalasingan ay hindi ko na alam ang pinaggagawa ko. Basta ang alam ko lang ay kaagad kong kinuha ang cellphone ko. Pumili din ako sa mga ka-friend ko sa facebook na kung saan ko pwedeng i-sent ang sinasabi ni Sab.


Hindi ko alam kung sin iyon at basta ko na lang ginagawa ang utos ni bruha para makatulog na ako.


g u r l x m i l o

Dangerous Man 1: Edwyn PattersonOnde histórias criam vida. Descubra agora