8

703 15 1
                                    

༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶
Chapter 8
༶•┈┈⛧┈♛♛┈⛧┈┈•༶


Dahil sa gutom na kanina ko pang tinitiis ay bumaba na ako habang hila-hila ko ang dextrose ko. Nakakainis nga at may ganito pa ako pwede namang wala na. Okey naman na ako. Sadyang ayaw lang nilang alisin ito sa akin. Hanggang ngayon ay may nakakabit pa din sa aking ganito. Hindi pa daw kasi ako magaling kaya hanggang ngayon ay meron pa din akong ganito.


Pero ang sabi ng doktor na kaibigan ni baliw ay aalisin na daw niya ito bukas kaya malaya na akong makagala ng walang nakakabit na kung ano sa katawan ko. Ang hirap din kasing kumilos kapag meron akong dextrose. Nakakatamad din kasing may bitbit ka.


Ang tahimik ng buong bahay. Kaya sigurado akong wala dito si baliw. Umalis na naman siya siguro? Paano na lang kaya kung maulit ang nangyari sa akin? Paano na? Sarap isumpa ang baliw na iyon, nakakalimutann niyang hindi ako marunong makipaglaban. Wala na ako sa isla, dahil nasa ibang bahay naman na kami ngayon pero hindi ko pa rin maiwasan na matakot. 



Akala ko kanina ay wala si baliw pero nang makababa ako ay doon ako nagkamali. Dahil nakita ko si baliw sa may sala habang may mga documents sa ibabaw ng coffee table nito. Nagbabasa siya habang may hinihigop na kape. May kaharap din siyang laptop. Mukhang abala siya sa ginagawa niya ngayon.


“Nandito pala siya,” mahinang anas ko.


Buti ay hindi siya naiinip magbasa ng maraming document. Kung ako kasi ay naiinip na. Lalo na't kung hindi tungkol sa kung saan ako interesado. Mabilis akong ma-bored lalo na’t hindi ko gusto ang binabasa ko.


“H-Hey!” anas niya ng mapansin niya ako. Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa may sahig at iniwan ang sandamakmak niyang mga ginagawa. Binasta niya na nga lang pinabayaan ang binabasa niya at lumapit sa akin. Pero hindi man niya lang binitiwan ang tasa niyang hawak-hawak.


“U-Uhm, n-nagugutom na kasi ako kaya bumaba na ako,” sabi ko at umiwas ng tingin. Hindi ko siya magawang titigan lalo na’t binabalak kong takasan niya.


Hindi din nawala sa isip ko ang nakakatakot niyang itsura. Nag-iisip pa rin ako ng plano hanggang ngayon. Mukhang mabubulok ako dito dahil wala akong maisip. Kung kailan nasa Manila na ako at madaling makabalik sa amin ay wala akong maisip. Nahihirapan ako mag-isip.


Napag-alaman ko kasing nasa Manila na kami. Kaya madali na lang sa akin na takasan siya at makauwi sa bahay namin. Excited akong makaalis sa puder niya pero at the same time ay kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. Parang against din ang puso kong tumakas pero ang isip ko ay gustong umalis.


“Ganun ba? Okay, let’s go to the kitchen. Para makakain ka na,” sambit niya.


Napakagat ako ng aking labi. Ito na naman siya sa side niya na mabait pero deep inside ay hindi talaga siya isang mabuting tao. Masama siya! Although hindi ko pa man din siya nakikitang pumatay ng tao pero sa mga kinikilos niya ay may ideya na akong pumapatay siya ng tao. Hindi ko nga lang alam kung mabuti o inosenteng tao ang pumapatay niya o masama? O baka both? 


Napailing na lang ako. Basta ang alam ko masama siyang tao. Papunta na sana kami sa may kusina ngunit tumunog ang cellphone niya kaya tumigil ako sa paglalakad. Ngunit para siyang bingi dahil hindi siya tumigil para man lang kunin ang cellphone niya.


“Tumutunog cellphone mo. Sagutin mo muna,” sambit ko ng makitang wala siyang balak na sagutin iyon dahil nagdiresto lang siya sa paglalakad.


“I can answer that later. The important thing is that I can feed you,” sabi niya at hinila ako pero tumigil ako sa paglalakad. "You're hungry, aren't you? Let's go na."


Dangerous Man 1: Edwyn PattersonWhere stories live. Discover now