Sabay kaming naglalakad ni kuya papunta sa hagdanan.

"May date kayo?" tanong ni sa akin ni Kuya.

Tumango-tango ako saka lalong ngumiti.

"First year anniversary namin," nangingiting wika ko.

"Oo nga pala!" pasigaw na litanya ni Kuya. "Akalain mo nga naman, umabot kayo ng isang taon," hindi makapaniwalang sabi pa nito.

"Bakit? Sa tingin mo ba hindi?" pagtatanong ko.

"Akala ko nga isang linggo lang," natatawang biro ni kuya.

Natawa ako. "Grabe ka naman diyan!" natatawang saad ko.

Ningitian ako ni kuya. "Enjoy you date, Sister," nangingiting wika niya sa akin.

Tumango-tango naman ako.

Saktong pagkalabas ko ng mansyon ay ang pagdating naman ni Andrei. Sabi ko nga sa kanya mag-commute na lang siya dahil baka maaksidente na naman siya kung magda-drive pa ng kotse niya pero hindi naman siya nakinig. Sa totoo lang, may takot din naman ako siyempre na baka maulit ang nangyaring iyon sa kanya kaya lahat nang pagpapaalala ay ginagawa ko kay Andrei para makapag-ingat siya. Mabuti at maingat naman si Andrei lalo na sa pagmamaneho niya.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Andrei. Nasa byahe na kami at papunta sa hindi ko pa alam na lugar.

Sandaling tumingin sa akin si Andrei at muli ring ibinalik ang tingin sa daan dahil siya ang nagmamaneho ng kotse. Ngumiti lang siya.

"Ayan ka na naman sa pa-surprise," nangingiting sambit ko.

"I know that you like surprises," bulalas ni Andrei.

Napangiti na lamang ako. Kilalang-kilala na niya ako talaga.

Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana. Ang ganda ng mga nakikita ko lalo na 'yung maaliwalas na kalangitan.

Lumipas ang halos isang oras at huminto na si Andrei sa pagmamaneho. Pinark niya ang kotse sa harapan ng isang three storey house na moderno ang istilo. Kumunot tuloy ang noo ko.

"Nasaan na tayo? Saka bakit tayo huminto dito?" nagtatakang tanong ko at tiningnan si Andrei pero ang damuho, lumabas na pala ng kotse.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan at siya rin ang nagtanggal ng seat belt ko. Inalalayan niya akong lumabas ng kotse na akin na lang ikinangiti.

"Nasaan ba tayo?" nagtatakang tanong ko.

Sa halip na sumagot ay ngumiti lamang si Andrei. Lalo tuloy kumunot ang noo ko.

"Sagutin mo kaya ako at huwag mo akong ngitian diyan," nangingiting pagsusungit ko sa kanya.

"Tara na," aya niya sa akin. Nilahad niya ang kanyang kanang kamay.

Nagsalubong na ang kilay ko. Maya-maya ay napahinga na lang ako ng malalim at kahit na nagtataka man ako ay hinawakan ko ang kanyang kamay. Naglakad kami papunta sa bahay.

"Uy! Sino ba ang pupuntahan natin diyan?" tanong ko ulit sa kanya.

Hindi sumagot si Andrei. Nakatingin lang siya sa nilalakaran namin.

Bakit ba ayaw ako nitong sagutin? Naiinis na ako!

May inilabas siyang susi at iyon ay pinangbukas niya sa gate ng bahay. Oh! Huwag niyang sabihin na bahay niya ito?

Pumasok kami sa loob. Malawak ang bakuran at maganda ang garden. Bagay na bagay sa bahay na mas lalo kong nakita dahil nandito na kami sa bakuran nito.

The Playgirl's Tale (Romance, Drama) - FINWhere stories live. Discover now