Chapter 35 [Part 2]

Start from the beginning
                                    

Maraming memories tuloy ang naaalala ko dito.. dati kasi walo kaming mga magkakaibigan dito.. ako, si thomas, si Rodney, berry at Kamil, si kuya Liam at ang ka--- "naaalala mo na naman.. Kaya ayokong pumupunta tayo dito eh.. Bumabalik yung mga alaalang hindi na dapat balikan." Napabaling ako sa kanya na nasa kabilang swing na pala.

Thomas really knew me among others, kahit si Rodney hindi alam yung side ko na ganito. It just seem so surreal hanggang ngayon yung nangyari.. ang tagal na kung tutuusin pero parang kailan lang nangyari sariwa pa sa isip ko. Tandang-tanda ko pa yung nangyari na siyang dahilan kung bakit nagkaaway sila kuya Liam at Rodney pati yung nasaktan si Rodney dahil sa 'kanya' at dahilan din para makagalit namin 'siya'.

"Tatang.. kung hindi nangyari yung nangyari before sa tin.. sa tingin mo buo pa rin tayo hanggang ngayon?" I asked out of nowhere while looking at the sky.

"Oo naman, mas solid pa tayo sa matigas na bato eh! Basta kakaiba yung samahan natin noon na parang wala na kong hihilingin pang maging kaibigan kundi kayo.. Ganun kaganda ang samahan natin until that unfortunate accident happened."

Nginitian ko siya. "Oo nga.. kung di dahil sa aksidenteng yun hindi tayo nagkawatak-watak." I sighed really deep. So much memories flooding in my brain, sumasakit tuloy ulo ko. Tumayo ako kaya napatayo rin si Thomas at nilapitan ako. Napansin niya sigurong masama nang pakiramdam ko.

"Are you okay?" Hinawak-hawakan niya pa yung forehead pati neck ko pero pinigilan ko yung kamay niya. "Why?" He asked.

Binigyan ko siya ng awkward smile. "Pag hinawakan mo pa ako... baka tuluyan akong LABnatin." I joked. Tinignan niya ako for a few seconds tapos nagtawanan kami.

"Ikaw talaga.. ano lets go? Hatid na kita.."

"Aww... walang date? Sayang naman.. haha joke!"

"Nah, mas uunahin ko na ang health mo before that date. Magkakaroon din tayo ng sariling D-day natin pag healthy ka na." Sinimangutan ko siya. Natawa naman siya. "Hahaha, bakit ganyan ka makatingin?"

"Bakit di ba ako healthy?" Imbes na sagutin ako ay nagulat ako dahil kinabig niya ang likod ko para mapalapit ako sa kanya at niyakap niya ako.

"Hindi yun ang ibig kong sabihin nanang.. ang matampuhin mo, sobrang unpredictable ng ugali mo, pero bakit ganun?" Kumalas siya sa pagyakap sa akin pero tinignan niya naman ako at naiilang ako. ".. Mas lalo akong napapamahal sayo?" He said sabay..... kiniss niya ako... smack lang. Tapos kiniss ulit ako sa forehead naman. "Pwede na ba ako mag-start mag countdown hanggang sa d-day natin? Can I court you?"

Napangiti ako sa sinabi niya at tinugon ko ang tanong niya ng isang kiss, smack rin sabay sagot.. "Hmm.. medyo matagal-tagal pa bago mo marating ang d-day. Kakayanin mo ba maghintay?" I asked him playfully.

"Kung ikaw naman ang hihintayin, why not?"

"Then it is a deal, mr. Thomas." Then I offer him my hand for a handshake lang sana pero hindi ko inaasahan ang ginawa niya. He kissed the back of my hand while looking at me and wink. Soo cute!

"Deal miss Mamilyn." He said.

Nawala yung antok ko dahil sa isang to.

Hihintayin ko rin yung d-day na yun.

****
JERRY

"Tangnang yan.. yung ganung babae na parang bata at childish pa ata yun, isang magaling na hacker?! What the fuck is going on in this world?" OA na reaction ni Adrian right after the two ladies leave.

Ako naman nag-iisip pa rin ng malalim tungkol sa kung pano nila nalulutas yung mga kaso na kung tutuusin ay kahit kami ay nahihirapan pa nga. Napapagalitan na nga kami kay chief dahil sa 'bagal' daw ng mga kilos namin. I can't understand why'd they have to hide the truth from us.

Sino ba talaga sila, Kayla? I know you are involved in that group's secret activity.

"Pero familiar sila sa akin... " biglang sabi ni Ace out of nowhere. Napatingin kami sa kanya. "What are you looking at?"

"Nakita mo na sila dati? Alalahanin mo.. wait, dude, pakita mo nga sa kanya yung picture ng kinakapatid mong si Kayla." Nilabas ko yung i-phone ko at nag-scroll hanggang sa mapunta sa Gallery at nung nahanap ko yung stolen shots ni Kayla sa cellphone ko ay kinuha agad ni Adrian at hinarap kay Ace.

Sinusuri naman ni Ace na parang hirap na hirap mag-solve ng math problems ang hitsura hanggang sa.. "Ah! I remember her and those two ladies!" Biglang sigaw niya.

Agad na nag-focus kami sa kanya kaya alam niyang kelangan niyang magkwento ng nalalaman niya. Ace sighed before he tell something.

"The past year may mga naging kaso regarding sa Pacific Scott Academy at palagi ko silang nakikita na kasama yung pamilya, kaibigan ng biktima na namatay some years ago or recently lang namatay pero may misteryong nangyari kaya hindi agad nalaman kung paano sila nabawian ng buhay. May mga kasama pa silang dalawang lalaki tsaka yung isang babaeng medyo kinulang sa height.."

I tried to think about those cases at kung nasan ako ng mga araw na yun... naka-off duty pala ako nung nakaraang taon pero dumadalaw-dalaw ako nun sa office kaso nga lang madalang lang dahil nga naging bodyguard slash driver ako ni Kayla at wala rin naman akong pakialam nun sa mga minor cases kaya hindi ko inaalam.

How I regretted those little things, although minor case ang tawag doon, in-underestimate ko ang pwedeng impact ng minor at little cases. Tsk, see wala na rin sense ang mga sinasabi ko.

"Sigurado ka ba jan, Ace?" Tumango naman ng sunud-sunod si Ace. "Oo at hindi ako magsisinungaling about it, you know me Adrian pare."

"Oo na pero.. pwede bang ikwento mo yung mga kasong yun?" Tanong ni Adrian.

"Ayoko, tignan niyo nalang sa main office, dun sa mga room ng mga history cases pero under minor case category siya and last year lang."

That's what I'm going to do as soon as possible.

Ghost Detective! (COMPLETED)Where stories live. Discover now