Ang Trabungko ng Ahas

95 1 0
                                    

Nakabalik na sa loob ng templong bato ang apat bitbit ang mga pakay nila labas, ngunit bigo sina Pablo at Joshua na mahanap sina Ken at Steve

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nakabalik na sa loob ng templong bato ang apat bitbit ang mga pakay nila labas, ngunit bigo sina Pablo at Joshua na mahanap sina Ken at Steve. Ngunit laking pagtataka ng apat nang hindi nila inabutan sa loob si Jhared. Kinutuban ng hindi maganda si Pablo kaya naghiwahiwalay ang mga ito para galugarin ang bawat sulok ng templo upang hanapin ang kaibigan. Batid nila na hindi nakalabas si Jhared dahil nandoon sa lapag ang bag nito. Malawak ang mga espasyo sa loob ngunit silyado ang paligid, walang ibang lagusan bukod sa bitak at sa butas sa ibabaw nito na sentro sa rebulto ng ahas.

Kanya kanyang tawag na kay Jhared ang lahat ng hindi nila ito mahanap sa paligid. Umaalingawngaw na ang mga boses nila sa loob ngunit walang tugon mula sa isang Jhared. Nang may narinig si Balong mula sa pader na nasa likod nito.

"Tumahimik muna kayo saglit, tila may naririnig akong boses mula sa likod nitong pader." wika ni Balong na idinikit ang tenga sa pader.

"Ano ang naririnig mo Bal?" tanong ni Dante sa kapatid.

"si Jhared, nasa likod ng pader na ito si Jhared naririnig ko ang boses niya." bulalas ni Balong.

Kinalampag,at kinapa-kapa ng apat ang malapad na pader habang tinatawag si Jhared. At tulad ni Balong naririnig din ng mga ito ang tinig ng kaibigan na nagmumula nga sa likod ng batong pader na iyon. Mahina ang boses ni Jhared kaya naririnig lang nila kapag idinidikit nila ang kanilang mga tenga roon.

"Tumahimik muna kayo may sinasabi si Jhared." sambit ni Pablo.

"Nasa mga nakaukit daw na bato sa sahig ang daan." wika ni Dante.

Napansin ni Joshua na tila nagbago nga ang pagkakaayos ng mga simbolo na nakaukit sa paligid ng rebulto. Nilapitan ito ni Joshua.

"Pakinggan niyong mabuti ang instructions ni Jhared, titingnan ko dito sa mga simbolo." Saad ni Joshua sa tatlo.

Ganun nga ang ginawa ng tatlo, si Pablo ang tagasigaw ng tanong para kay Jhared ang kapatid naman ang nagbabato ng instruction kay Joshua.

"Apakan ang simbolo na hugis araw!" sigaw ni Dante kay Joshua dahil iyon ang narinig nito mula sa mahinang boses ni Jhared.

Hinanap ni Joshua ang simbolo ng araw , nalilito pa ito dahil halos magkaparehas lang ang mga bilog na simbolo na nakaukit doon.

"Alin ba sa mga ito ang araw?" tugon na sigaw ni Joshua habang ini-isa-isa ang mga simbolo sa sahig.

"Ang may balaraw sa gitna. Bilog na may sinag sa paligid." sabat ni Balong kay Joshua.

Nang makita iyon ni Joshua inapakan niya ito ayon sa sabi ng tatlo. At sa pag apak nga ni Joshua bigla na lang umu-sog pakanan ang mga haligi sa paligid ng bilog. Gumalaw ito na ikinagulat ng apat. Tila May kung anong mekanismo ang konektado sa mga simbolo sa sahig na siyang nagpapagalaw ng mga haligi sa paligid. Nagpatuloy ang apat sa kanilang ginagawa, at sa bawat simbolo na ina-apakan ni Joshua, papalit-palit ang mga posisyon ng mga haliging bato.

BALATKAYOOn viuen les histories. Descobreix ara