Ang Guho

508 4 2
                                    

Sinalubong ni Pablo si Elias na madilim na nang makabalik sa campsite

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sinalubong ni Pablo si Elias na madilim na nang makabalik sa campsite.

"Mabuti at nakabalik ka ng maayos, nandito na sina Ken. May tumulong daw sa kanilang lalake"

May pagtataka sa mga mata ni Elias nang marinig ang sinabi sa kanya ni Pablo. Pinuntahan ni Elias ang dalawa upang usisain Ang mga ito sa kanilang karanasan sa gubat. Ikinuwento naman nina Ken at Joshua ang lahat.

"Ang lalake, anong itsura niya?" ang sabik na tanong ni Elias kay Ken.

"Matangkad, maganda ang katawan, nakahubad iyon kasi tapos putikan ang katawan. Mukhang ermetanyo na sa kapal at haba ng kanyang balbas at buhok. Pero kahit na ganun, we can say he is a handsome man. At sa tantiya ko nasa mid thirties ang edad niya." pagsalarawan pa ni Ken.

"Nakakapagtaka lang dahil hindi man lang sa nagsasalita. Naisip nga namin ni Ken baka pipi. Tapos ang liksing kumilos ang bilis. Bigla na lang nawala nang makarating na kami dito. And what else did we notice? ang kakaibang lungkot sa kanyang mata. Iyong mga titig niya kasi sa amin, puno ng pangungulila." dagdag pa ni Joshua.

"si Kuya...buhay si kuya." sambit ni Elias.

Nagkatinginan ang lahat ng sinabi iyon ni Elias.

"What? you mean, kuya mo ang nakita namin? pero paano? Sabi mo thirteen years ng nawawala kuya mo at no one has seen him here, diba. Ilang rescuers na ang naghanap sa kanya sabi mo. Ngunit hindi nila siya matagpuan." Sabi pa ni Ken.

"Hindi ko alam , pero bigla ko na lang naramdaman na si kuya iyon." tugon pa ni Elias na biglang nilukuban ng pagkabalisa ang sarili.

"maybe we really need to stop this climbing activity, before something worst happens to us" bungad ni Pablo nang lumapit ito sa kanila.

"Agree ako kay Pablo, kinakabahan na din ako sa bundok na ito. The other day there was a big snake. Today, it's the same snake again, you got lost in the jungle. And there is this mysterious man who suddenly disappears. Plus The frequent tremors here. Baka kasunod nito maglaho narin tayo dito sa bundok like those before us here." Pagsangayon pa ni Steve sa sinabi ni Pablo.
Hati ang opinyon ng lahat, tulad ni Jahred na mas piniling manatili muna doon hanggat hindi pa ito nakakakuha ng litrato ng ahas. Nagdadalawang isip naman si Joshua na gusto namang umalis doon ngunit na intriga sa hiwaga at kuwento ng bundok. Hindi naman makapag pasya ng husto si Ken dahil distracted ang isip nito, sa tuwing nag bubulong-bulungan sina Pablo at Elias. Malakas ang kutob nito na may tinatago ang dalawa. Simula kasi noong nandoon na sila, pansin na ni Ken na may iba sa kinikilos ni Pablo.

Matapos maghapunan ang lahat,nagpahinga na ang mga ito. Naiwan sa labas si Elias na nakaharap sa siga, pinapanatili nitong malaki ang apoy. Kinuha nito ang larawan ng kanyang kuya sa kanyang bag at pinagmasdan na naman ito. Hindi na nakapag asawa pa si Elias dahil sa kakahanap sa kanyang kuya Erjune, minsan pa naging dahilan ito upang iwan ito ng kanyang kasintahan noon. Mula nang mapadpad ito sa Sityo Pangil, madalas na itong pabalik-balik sa bundok sa pag-asang makikita nito ang kanyang kapatid.

BALATKAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon