Ang Hiwaga ng Bundok

577 7 5
                                    

Napako ang interes ng lahat sa misteryusong lugar na iyon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napako ang interes ng lahat sa misteryusong lugar na iyon. Sa lawak nito ,maari ngang minsan naging maliit itong kumunidad sa mga naninirahan dito noon. Bakas pa ang tila mga silid sa paligid. Ngunit ang nakakapagtaka, ay kung bakit hindi man lang ito alam ng lahat. Na tila ba sinadyang ikubli Ang lugar sa mata ng karamihan dahil sa di malinaw na dahilan.

Isa pa sa pumukaw ng pansin ng lima, lalo na si Ken ay ang rebulto ng malaking ahas sa gitna nito at ang mga nakasulat na simbolo sa palibot nito.

"Ano kaya ang tawag sa lugar na ito pare?" tanong ni Ken kay Elias.

"Hindi ko alam, nang na ngalap ako ng impormasyon tungkol dito sa lugar, wala akong nakita tungkol sa lugar na ito. Naitanong ko narin ito minsan sa propesor ni kuya ngunit maging siya walang alam. At maging siya nawawala din.Ang huling balita ko, sinubukan din nilang hanapin ang lugar na ito." tugon ni Elias.

""If everyone who tried to find this place never na nakabalik. Maybe, the same thing will happen sa atin mga pare." biglang pangamba ni Jahred.

"hindi naman siguro, kung nakapasok na minsan dito si Elias, ibig sabihin makakalabas din tayo. diba pare?" sabat ni Steve

Tumango lang si Elias at ngumiti sa lahat. Nakampante naman ang lahat. Naupo si Elias sa isang kwadradong batong naroon at may kinuha mula sa kanyang bag. Dali-dali namang lumapit sa kanya si Pablo. Hinawakan nito ano ang kamay ni Elias na may hawak ng bag, at may binulong ito dito.

"huwag na natin silang idamay, pangako tutulungan kita." bulong ni Pablo kay Elias.

Ibinalik ni Elias Ang kung ano mang nasa loob ng kanyang bag na nais sana nitong ilabas. Hinawakan din ni Elias ang kamay ni Pablo at gumawad ng isang ngiti at nag sabi ng "Salamat pare."

Napansin iyon ni Ken at napakunot na naman ito ng noo. Nagtanim ito ng hinala sa dalawa.

Nang bigla nalang yumanig ng may kalakasan ang paligid. Nagulat ang lahat at nag ipon sa gitna malapit sa rebulto. Humupa din naman agad ito. Napalingon si Joshua sa rebultong ahas nang napansin nito ang maliliit na bitak-bitak sa ulo ng ahas. Hinawakan niya ito, at tinuklap ang nakausling bitak sa bahagi ng kabilang mata ng ahas. Tinanggal niya ang  bitak na iyon. Napaatras si Joshua nang makita ang laman sa likod ng batong nakabalot sa rebulto. Napatingin din doon ang lahat ng marinig ang malakas na tawa ni Joshua.

""It's not just a statue, dudes, It's a treasure. Tingnan niyo ang nadiskubre ko ng tinanggal ko ang bitak sa mata nito. A glowing stone was in it. At sa tingin ko isa itong rubi, tingnan niyo kulay pula." bulalas ni Joshua.

"So, ano pa ang hinihintay natin bakbakin na natin ang nakabalot na bato dito nang makasiguro tayo." ang sabi pa ni Jahred.

"Hindi, wala tayong karapatan na pakialaman ang ano man dito sa lugar na ito. whatever the reason they hid This place, I believe it is sacred at may kaakibat na panganib. Kaya wala dapat tayong gagawin dito." pagtutol naman agad ni Pablo.

BALATKAYOWhere stories live. Discover now