Ang Pangil ng Linunhan

227 5 0
                                    

Pinuntahan ni Jahred ang bahay na iniwan ni Elias

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pinuntahan ni Jahred ang bahay na iniwan ni Elias. Batid niyang walang tao doon kaya pumasok na ito sa loob. Pinasok nito ang bahay ni Elias sa pag asang may makikita itong sagot sa kanyang mga katanungan.

Maayos ang loob ng bahay, patunay na hindi pa nakakabalik si Elias. Naghalungkat ito sa loob, hanggang sa pinasok na nito ang silid ng bahay. Naghanap pa si Jahred sa mga aparador at kama ni Elias. Sa kanyang paghahanap, may nahulog mula sa mga gamit ni Elias

Isang larawan ng dalawang lalake na magkayakap, Ang Isa mga nasa larawan ay si Elias. Hindi na sama iyon papansinin ni Jahred,ngunit ng damputin nito ang larawan may napansin ito sa likod ng larawan.

Doon nakasulat ang mga salitang " Forever Always Mahal ko, Erjune"

Kaya napaisip si Jahred bakit ito Ang nakasulat sa likod ng larawan,gayung Ang sabi sa kanila ni Elias ay kapatid niya ang Erjune. Hindi rin alam ni Jahred kung si Erjune ba ang kasama ni Elias sa larawan kung saan naka yakap ito sa kanya.

Sa pag hahanap pa ni Jahred ilang mga article mula sa mga news paper ang nakita nito sa isang drawer. Lahat ng mga nandoon ay tungkol sa mga nawawalang mga tao sa bundok ng Linunhan. At Isa sa mga nandoon Ang pagkawala ng isang Erjune Buyales. Kinumpara ni Jahred ang larawan na nasa news clips at sa larawan na nakita nito at magkahawig nga ang mukha ng Erjune.

Ang ipinagtataka nito, dahil iba ang mga ditalye na nasa news clip sa mga naikuwento na sa kanila ni Elias patungkol kay Erjune.

Habang naghahalungkat pa si Jahred isang lalake ang bigla na lang pumasok sa loob ng silid kung saan nandoon si Jahred.

"Sino ka? At bakit naghahalungkat ka dito?" Bulyaw ng lalake kay Jahred.

Hindi agad nakapagsalita si Jahred dahil sa alam naman nitong mali ang ginawa nitong pagpasok sa bahay ni Elias.

"Pasensiya na, Akala ko kasi wala ng tao dito. Kakilala ko si Elias. Naparito ako para maghanap ng puwedeng makatulong sa akin para matunton sila ng mga kaibigan ko." paliwanag pa ni Jahred.

"Sinong Elias?"

"Si Elias,ang nakatira dito. Ikaw sino ka ba?At bakit ka din nakapasok rito?" usisa din ni Jahred sa lalake.

"Ako si Elias at sa akin ang bahay na ito." Bulalas ng lalake, na kinagulat ni Jahred.

"Paanong naging ikaw si Elias? " tanong ni Jahred na nagtataka.

"Lumabas ka dito kung ayaw mo tumawag pa Ako ng pulis para ipakaladkad ka. Trespassing ka alam mo ba iyon?" Tugon ng lalake na nagpakilalang si Elias.

"Teka-teka pare, sorry kong nag invade ako ng privacy, pero sure ako na ibang Elias ang nakilala namin na nakatira dito. Ito itong nasa picture, ito Ang Elias na kilala namin." Sabi ni Jahred na pinakita pa sa lalake ang larawang nakita nito.

Kumunot ang noo ng nagpakilalang Elias sa sinabi ni Jahred. Humablot nito kay Jahred ang larawan at pinalabas ito sa silid na iyon bago isinara ang pinto.

BALATKAYOWhere stories live. Discover now