Daan pabalik

174 7 0
                                    

"I really want to go home pare, hindi na nakakatuwa itong nangyayari sa atin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I really want to go home pare, hindi na nakakatuwa itong nangyayari sa atin. Para tayong nasa fictional world ng isang libro. Ang daming loops and twist.  Akala ko talaga sina Kanara ang kaharap natin.  Pero iba na namang mga personalidad ito. Pero in fairness,hindi magbago ang kagandahan ni Kanara." komento ni Joshua habang nagpapahangin Ang mga ito sa labas ng bakuran.

'I don't think if makakabalik pa ba tayo sa reality. We're all trap here.  Unless mabuksan muli ang portal. Tsaka lang tayo makakabalik sa atin."  Tugon ni Pablo na napasandal na lang sa papag sa lilim ng isang punong mangga.

"Portal? as in like, gateway to another dimension?  " gulat na tanong ni Steve.

"I believe isang portal Ang nabuksan natin noong time na nasa loob tayo ng guho kaya napunta tayo dito. At kailangan natin mag hintay ng tamang  pagkakataon kung kelan mula iyon magbubukas. Nasabi minsan ni Elias sa akin na tuwing kabilugan ng buwan, kapag napapagitna ito sa templo ng ahas, at matamaan ng liwanag nito ang rebulto ng ahas , mabubuksan sa mata ng tao ang isang lagusan." Paglalahad pa ni Pablo.

"Ang mapa pare, diba may image doon ng ahas? Di kaya hindi iyon ang mapa ng kayamanan, kung hindi map, patungo sa portal na sinasabi mo. Hindi kaya ganun?" Teyoriya pa ni Steve.

"I remember na pare, that night noong narinig natin ang angil ng halimaw, Before the day na napunta tayo sa guho. Full moon iyon.  Tapos noong gabing nakita mo ang nasabi mong ahas doon sa underground, naalala mo bilog din Ang buwan nun. And look where we are now, ibang era na naman ito. Hindi ko alam kung anong year ito.Pero sure ako hindi ito ang current year natin."  Ayon pa kay Joshua.

"Iyon nga din ang iniisip ko. Ilang araw na tayo dito, I'm sure nag aalala na Ang mga pamilya natin  sa atin. Hindi ko na kayang mag stay pa dito ng matagal." Sabi ni Pablo na napakunot na lang ng nuo dahil sa mga nangyayari.

Tanaw ang tatlo mula sa kusina kung saan nag uusap din Ang magkakapatid.  Palaisipan din sa mga ito ang biglaang pag dayo sa kanila ng mga bisitang hindi tagaroon sa kanila.

"Hindi kaya kasamahan ng mga iyan ang dalawang nakita natin?" sambit ni Balong sa mga kapatid.

"Pero hindi sila dapat manatili dito, minsan na may nagawi dito sa ating taga baba.  Lahat sila napahamak lang." ayon pa kay Dante

"Kaya nga silipin niyo na ang dalawa nang malaman natin kung saan sila galing. At para pag dating ni Itay, maihatid na sila sa kanila." Utos ni Kaleah sa dalawang kapatid.

Nang pumasok sa kusina Ang kanilang ina.  May dala itong gulok na nakabalot sa pulang tela. Inabot niya iyon kay Dante. Ipinagtaka ng mga anak bakit inilabas iyon ng kanilang ina. Sagrado para sa kanila ang gulok na iyon at ginagamit lang sa mahalagang sitwasyon.

"Bakit kinuha mo ito inay? May panganib ba?" Pagtataka ni Dante.

"Nakita ko ito mula sa gamit ng isa sa mga iyan. Libreta ito ni Tata Tacio. Hindi ko alam kung paano ito napunta sa kanila. Ngunit Ang sigurado ako, panganib para sa atin ang dala nila." Ang tugon pa ng Ina.

BALATKAYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon