Ang Tulay

83 2 1
                                    

Tinulungan ng magkapatid si Jhared na baklasin at tanggalin ang mga naka-tabon na mga ugat at halaman sa napansing mala-pader na bato

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tinulungan ng magkapatid si Jhared na baklasin at tanggalin ang mga naka-tabon na mga ugat at halaman sa napansing mala-pader na bato. At nang malinis ang isang bahaging iyon, napa-sigaw sa tuwa si Jhared.

"Ito iyon, ito nga iyon. Finally natagpuan din kita. Makakabalik na kami sa panahon namin." ang galak na galak na wika pa ni Jhared.

"Anong meron sa batong ito?" tanong ni Dante kay Jhared na takang-taka naman sa reaksiyon ni Jhared nang masilayan ang pader na bato.

"Ang Monay na bato. Ito iyon hindi ako nagkakamali. Dito kami noon pumasok at dito rin kami lumabas bago kami napunta sa panahon niyo. Nasa loob nito ang hinahanap nating tulay ng panahon. Halikayo, tulungan niyo akong hanapin ang hiwa nito." saad ni Jhared.

"Monay talaga? Iyon talaga ang pangalan ng batong ito?" natawang tanong pa ni Balong habang pinagpapatuloy ang pagbaklas ng mga halaman na kumapit na sa bato.

"Eh sa iyon ang tawag nila dito. Tulungan niyo na lang akong hanapin ang hiwa nito. Parang bitak lang iyon na sakto lang sa isang tao ang butas." tugon ni Jhared.

Sa kalagitnaan ng kanilang ginagawa biglang pinahinto ni Dante ang dalawa at initusang mag tago sa mga makakapal na tanim. Mabilis naman kumilos ang dalawa. Nang walang ano-ano muling nag pakita ang dambuhalang palaka at patungo ito sa direksyon nila kung saan sila nagtatago. Napasiksik pa ng husto ang tatlo sa pinagtataguan nila para hindi sila mapansin ng dambuhalang hayop na iyon ngunit tila naaamoy na sila ng palaka. Nakita na lang ng mga ito na bumubuwelo ang palaka para tumalon sa pinagtataguan nila. At doon nga ang puntirya ng dambuhalang hayop.

Napatakbo muli ang tatlo nang makita sila ng palaka. Ngunit sa kamalas-malasan na-tisod sa mga ugat ng kahoy si Jhared at napasubsob ito. Siya na naman ang nakita ng palaka. Sumaklolo naman sa kanya si Balong at tinulungan siyang tumayo. Ngunit biglang humaba ang dila ng palaka at hinagip nito ang katawan ni Balong. Agad na man siyang hinablot at nahawakan ng mahigpit ni Jhared sa braso. Nakipaghilahan si Jhared sa palaka, hirap ito sa lakas ng dambuhalang hayop at malapit na nitong mabibitawan si Balong. Patakbo namang sumugod si Dante at pinagtataga ang dila ng palaka. Pero makapal at matibay ang dila ng hayop kumpara sa talim ng bolo nito. Nagawa niya mang sugatan ito pero balewala lang sa palaka iyon. Tinulungan na lang nito si Jhared na hilahin ang kapatid mula sa dila ng halimaw.

Pagod na si Balong at bumibigay na ang lakas nito. Nagpaalam na ito sa kanyang kuya. Handa na itong magpakain sa palaka. Niluwagan na nito ang kapit sa dalawa. Pero ayaw patalo sina Dante at Jhared na ibinuhos na ang siyento por siyentong lakas mahila lang si Balong mula sa dila ng dambuhalang palaka.

Sa pagiging desperado ni Dante na mailigtas ang kapatid. Napasigaw at binigkas ang pangalan ng dambuhalang ahas na si Kaliskis.

At ang sigaw na iyon ay umalingawngaw sa buong paligid. Nang ang pangalang binanggit bigla na lang lumitaw sa kanilang harapan. Natigalgal sina Jhared at Dante nang masilayan ng harap-harapan ang isang dambuhalang ahas na si Kaliskis.

BALATKAYOWhere stories live. Discover now