Moon Haven

154 4 0
                                    

Inusisa ng lolo nito si Elias tungkol sa nakuha nitong tela sa mga gamit

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Inusisa ng lolo nito si Elias tungkol sa nakuha nitong tela sa mga gamit.

"Hindi ko alam kung paano napunta ito sa akin, sa pagkatanda ko pagmamay-ari ito ni Erjune. Pinakita niya sa akin ito bago ang araw na nawala ito sa bundok ng Linunhan" tugon pa ni Elias.

"Pumunta kayo sa sagradong bundok na iyon? Kelan pa?" tanong muli ng lolo.

"Last month lang po, lo. May two weeks nang nawawala sina Erjune kasama ang iba pa. Hanggang ngayon nga wala pa ring balita tungkol sa mga labi nila." ani pa ni Erjune.

"Alam mo ba kung ano ang hawak mo na iyan? Iyan ang mapa ng tagong yaman ng mga taga Opiryum. Ang mapa ng lihim na lagusan papunta sa kanilang lupain. Matagal nang nawawala ang mapa na iyan simula ng ninakaw iyan sa tribo ng Linunhan. Huli ko itong nakita noong aksidenteng natagpuan namin ang tribo nila sa bundok kung saan kayo pumunta." Naikuwento pa ng lolo nito.

Nagkaroon ng interes sa bagay na iyon si Elias at sa misteryosong kasaysayan ng sinasabi ng lolo nitong mga taga Opiryum.

Hindi iyon malimutan ni Elias, at dahil sa mga nalaman nito, makailang beses din nitong tinangkang akyatin muli ang bundok, ngunit sa kung anong misteryong bumabalot doon, palagi na lang ito niluluwa ng nasabing lugar at hindi ito maka usad-usasd sa taas nito.  Walang araw din na hindi binabalutan ng makapal na hamog ang bundok. Tila May tinatagong lihim sa lahat ng mga nagtatangkang gumambala sa lugar.

Hanggang sa may isang grupo ng hikers ang tagumpay na nakalusot noon sa mga bantay gubat at maka-akyat sa pusod ng bundok. Ngunit tulad ng mga nauna, misteryosong naglaho din ang mga iyon doon at tanging isa lang sa kanila ang sinuwerteng Naka baba at nakaligtas.  Ayon pa noon sa isang hiker, isang dambuhalang ahas di umano ang nakaharap nito. At dahil sa video na nakuha nito, minsan na naging usap-usapan ang tungkol sa dambuhalang ahas ng bundok Linunhan.

At para maiwasan na maulit ang insidente. Tuluyan nang isinara sa lahat ang lahat puwedeng daanan ng tao paakyat ng bundok.

Mapalad ang dalawa Jahred at Elias na sa wakas nasumpungan ng mga ito ang kanilang pakay.  Eksaktong katitikan ng tanghali nang marating nga ng dalawa ang camp site. Agad na nag set up ang dalawa ng kani-kanilang mga tent.

"Dito na muna tayo magpapalipas ng oras. Nakakamangha ang tanawin dito, nakakalula sa ganda. Sa mga tanawin palang busog na mga mata mo dito."  ang sambit pa ni Elias habang nakatayo ito sa gilid ng bangin na tanaw mula doon ang kabuohan ng paanan ng bundok na ng sandaling iyon natatakpan ng maninipis na ulap.

"Maganda talaga ito, noong unang araw nga namin dito, hindi ako magkamayaw sa pagkuha ng litrato rito,  lalo na pagkagat na ng gabi." Turan pa ni Jahred.

"Pero kailangan, bago pa kumagat ang dilim nasa guho na tayo. Kailangan naroon mismo tayo, pag pumirmi na ang buwan sa kanyang puwesto." ayon pa kay Elias.

Napatango naman si Jahred.

Kumain lang sila ng kanilang pananghalian at nagpahinga ng kaunti bago muling naglakad ang dalawa.  Aminado si Jahred na medyo nalito na ito sa mga daanan papunta sa biyak na bato.  Gayun pa man positibo si Elias na matatagpuan nila ang hinahanap bago pa ang pagsapit ng gabi.  Para malibang naman habang naglalakad nakipagkuwentuhan si Jahred kay Elias.

BALATKAYOWhere stories live. Discover now