"BUNDOK NG LINUNHAN"

1.7K 14 2
                                    

"It's good that your girlfriend allowed you to join this trekking

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"It's good that your girlfriend allowed you to join this trekking. I thought you were going to completely abandon your passion for nature."

"Because I promised, that this is really my last climb to the mountain. And after this, going straight na ako sa relasyon namin ni Tin, dude. You know me as a boyfriend. Masunurin tayo."

""You're not even married yet, but Tin already controls your life pare. What more kung kasal na kayo. Baka pati sa kunting beer bonding natin ,restricted ka na rin."

"Thankfully, my Stella is not like that. Kahit minsan, she doesn't interfere with my vices. At suportado pa niya lahat ng hilig ko. This bag I'm carrying. She even bought it in France when she was on vacation there."

"Minsan talaga sakit lang sa ulo ang dulot ng mga babae sa atin. When it  comes to their passions, dapat sinusuporta natin. Pero pag hilig na nating mga lalake, marami pang tanong. Need mo pa mag explain, Why is that your passion?. too expensive ,magastos, pointless. Eh Pera naman natin ang ginagamit natin. hindi naman sa kanila."

""That's why being single is more fun. No one opposes you, and no one controls all your actions. Look at me mga tol,I'm free like a bird. Kayo kasi ang babata niyo pa , gusto niyo na mag patali ng maaga. As if naman na mauubusan kayo ng babae diyan. Sayang lang Ang gandang lalake natin kung sa iisang pugad lang natin ibababad mga itlog natin. diba?"

Sina Pablo, Joshua, Jahred, Ken at Steve. Limang matalik na magkaibigan. Iisa ang mga hilig. Parehas ng mapupusok sa kanya kanyang desisyon sa buhay. Dalawang beses kada buwan kung magtipon ang magbabarkada para sa kanilang hilig sa pag akyat ng mga hindi pa na aakyat na bundok. Pawang mga professional na ang lima sa kanilang larangan. Ang kanilang hilig sa mga pag akyat ng bundok, ang nag sisilbing hingahan ng magbabarkada upang malibang. Bonding na rin nila ito na magbabarkada.

Nang huminto ang bus na kanilang sinasakyan , nilapitan sa Pablo ng kundoktor.

"Narito na tayo sa sityo Pangil, mula dito sa tulay makikita niyo sa kaliwa ang malaking Krus sa bukana. Doon ang daan pa Pangil"  Sabi ng kundoktor habang tinuturo kay Pablo ang direksiyon.

"Salamat kuya." sabay tango pa ni Pablo.

Bumaba ang lima, at sinundan ang direksiyon na sinabi ng kundoktor. Alas ostso ng umaga nang marating nila ang Sityo Pangil. Isang liblib na nayon sa pinuntahan nilang probinsiya. At Ang pakay nila sa lugar na iyon, ay ang bundok na kung tawagin ng mga tagaroon, bundok Linunhan.  Wala pa masyadong nakaka pasok o nakakaakyat sa matarik at delikadong bundok na ito. Ngunit ayon sa mga lokal na naninirahan sa paanan nito, marami na ang sumubok na akyatin ito, pero wala man lang ang nagtagumpay na maabot kahit ang gitna lang nito. Tahanan din kasi ang bundok ng lima sa mababangis na uri ng mga makamandag na ahas na sa Pilipinas lang makikita. At sa dami ng mga maliliit na kuweba sa paligid nito, minsan na itong sinubukang galugarin ng mga treasure hunter, dahil daw sa mga ginto na nakatago doon ,na mula pa sa mga hapon.

BALATKAYOWhere stories live. Discover now