KUBLING NAYON

359 7 1
                                    

Nagpatuloy lang ang anim sa kanilang pag galugad sa lugar

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Nagpatuloy lang ang anim sa kanilang pag galugad sa lugar. Wala silang matanaw sa paligid kung hindi mga tuyong damu na lamapas sa kanilang mga binti ang taas. Saan man dumapo ang kanilang tingin mga damo at malawak na damuhan lang ang naroon.

Pagod at gutom na ang mabubuo sa kanila. Mataas ang araw ngunit hindi man lang nila ramdam ang init ng araw. Parang malamig pa nga sa mga sandaling iyon.

"Wala man lang bang puno dito na may prutas, nakakagutom na. Kaya ko pa ang mag lakad pero itong gutom ko mukhang hindi na talaga kaya." Parinig pa ni Jahred, na rinig na amg pag kalam ng kanyang tiyan.

"Ano ba ang nangyari pare? Saan na ba tayo ngayon nito? " Tanong ni Joshua kay Elias

"Hindi ko alam, maging ako man nagtataka kung bakit tayo na punta sa lugar na ito. Ngayon lang din ako napadpad dito." Tugon ni Elias.

"Are we in another dimension dudes? Is this what they call Biringan?" Tanong pa ni Jahred.

"Magagara daw ang lahat sa lugar na iyon. Ibang iba dito, kahit Isang kubo nga wala tayong nakikita. It's like we're in the middle of the desert, but we're in the fields. Look around, very dry ang paligid mula lupa hanggang sa mga damo dito." sabi pa ni Steve.

Napahinto ang lahat nang sumigaw si Pablo. Nagsilingunan ang lahat sa direksiyon na tinitingnan ni Pablo.

"May tao akong nakita sa banda roon. Tumatakbo" Bulalas ni Pablo

Ngunit walang nakitang tao ang iba sa parteng iyon. Nang maging si Jahred, may napansin din na bigla na lang nagsikublian sa mga damu. Nadagdagan pa ang kaba nila nang pati si Joshua at Steve may napansin ding kakaiba sa kanilang paligid. May kung ano sa mga damuhan at gumagalaw ang mga ito.

"Shit, napapaligiran tayo. " Sambit ni Elias nang mapansin na nagsigalawan na ang mga damu sa kanilang paligid.

"Ano ang mga iyan?" Kabadong tanong ni Jahred.

"Baka mga ahas," sabi pa ni Steve.

Nang walang anu-ano, nahintakutan ang lahat nang bigla na lang may nagsilabasan mula sa likod ng mga damuhan. Mga tao na balot ang buong katawan ng putik, mukhang mga katutubo. Umaangil Ang mga ito na parang mga hayop. Nanlilisik ang mga mata ng mga ito. May mga dala itong mga sibat at patalim sa kanilang mga kamay. Pasugod ang mga ito sa kanila. Napamura na ang anim ,ngunit nakahanda sila upang ipag tanggol ang kanilang mga sarili. Naglabas din ang mga ito ng kanilang mga patalim na dala. Akmang susugurin na ng mga ito sina Pablo, nang umalingawngaw ang malakas na putok ng baril.

Tumigil sa kanilang pag atake Ang mga taong putik nang makita ang kasamahan nilang bumulagta sa damuhan. Nabaril ito ni Ken sa dibdib.

Nakita nila na ang takot sa kilos ng mga taong putik dahil sa aktong ginawa ni Ken.

"Sige, lumapit kayo at isa-isahin ko kayo ng balang ito!" Sigaw ni Ken, ngunit nanginginig ito na pilit kinukubli ang takot.

Dahan-dahang umatras ang mga taong putik hanggang sa naglaho muli ang mga ito sa mga makakapal na damuhan.

BALATKAYOWhere stories live. Discover now