Kabilang Dako

262 9 1
                                    

Paikot-ikot lang sila ni Elias at Ken sa isang gubat

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Paikot-ikot lang sila ni Elias at Ken sa isang gubat. Walang katapusang lakaran. Walang direktang patutunguhan. Mula nang napatid ang kanilang mga lubid, natagpuan na lang ng dalawa na nasa gitna na sila ng masukal na kagubatan.

Malalago, at malalapad ang mga dahon ng halaman doon at pambihira sang laki at taas ng mga puno. Mga ugat palang nito sa paanan lasing laki na ng mga ordenaryong katawan ng puno.

"Ano na bang lugar ito? At nasaan na sila?" paulit-ulit lang na tanong ni Ken.

"hindi ko rin alam kung nasaan tayo, at akong ano na ang lugar na ito. Ngayon lang Ako nakapunta dito." Ani pa ni Elias, na bakas din sa mukha Ang pagtataka at pangamba.

Nagpatuloy pa ang dalawa nang bigla na lang nabuwal ang natapakan ni lupa ni Ken kaya muntik na itong mahulog sa malalim na bitak sa lupa. Maagap naman si Elias at agad nito nahawakan sa braso si Ken. Mabilis niya itong hinila bago pa bumigay muli ang bahagi pa ng lupa sa tabi.

Sa pag hila ni Elias kay Ken , napadagan ito sa kanyang katawan nang matumba silang dalawa.

"Salamat pare," tugon ni Ken kay Elias habang naka sampa pa sa ibabaw ng katawan ni Elias.

Muntik na magtama Ang mukha nilang dalawa sa biglaang pag hila ni Elias.

"Mag ingat ka,.." sambit ni Elias na nakatingin sa mukha ni Ken.

Nagkailangan lang ang dalawa ng mapansin ang kanilang posisyon. Bumangon si Ken at tinulungan naman nito si Elias na makatayo.

Doon nila napagtanto ang pinsala na dulot ng pag guhong iyon. Halos mahati ang lupa dulot ng napakalaking bitak sa harapan nila. Agad na naghanap ng ibang daan ang dalawa hanggang sa may nasumpungan silang batis at sa dulo nito ay may isang maliit na talon. Subrang linaw ng tubig sa batis na tanaw maging ang mga makukulay na mga bato sa ilalim nito.

Sa tindi ng uhaw, agad na sumalok doon ang dalawa.

"Ang lamig ng tubig at ang tamis." pansin ni Ken habang walang sawang sumasalok ng tubig gamit ang mga palad .

"Tara pare, maligo muna tayo."  Nakangiting tugon ni Elias na mabilis na naghubad ng damit.

Walang pag alinlangan na nag hubo ito ng lahat ng saplot sa kanyang katawan. Lumusong si Elias sa batis na hubot hubad. Nagulat si Ken sa ginawa ni Elias, lalo na nang lumangoy pa ito sa gitna ng batis. Kitang-kita sa malinaw na tubig ang kakisigan ni Elias.

"Maligo muna tayo Ken, Ang sarap ng tubig, Ang lamig." panunukso pa ni Elias.

Tumugon ng ngiti si Ken na agad din nag tanggal ng saplot nito sa katawan. Walang ka abog-abog na lumusong sa batis si Ken at lumangoy palapit kay Elias.

Para silang mga paslit na naghaharutan sa tubig, tila nawala na lang nang ganun sa kanilang isip ang kanilang mga pangamba ng mapunta sila sa lugar na iyon. Animoy nawala na lang bigla sa kanila ang nangyayari. Sa kalagitnaan ng kanilang pag langoy, sa hindi sinasadya. Pagkaangat ni Ken sa tubig mula sa pagkasisid, magtama muli ang mukha ng dalawa. Mas malapit, at mas dikit.

BALATKAYOWhere stories live. Discover now