"Dev.. ang tagal mo namang matulog, bakit masyado ka naman na yatang nag-enjoy?" Nakasimangot na usap ko sa kanya kahit alam kong hindi niya naman maririnig dahil mahimbing ang tulog niya.

Hinaplos ko ang buhok niya bago ako naupo sa upuan sa tabi ng hospital bed niya. Muli kong hinawakan ang kamay niya para dampian ng halik.

"Dev, gising kana.. buuin pa natin yung pamilya natin, diba?"Halos pabulong na sabi ko. "Alam kong nagpakain ako sa galit ko noon dahil sa pagtalikod mo sakin at sa mga anak natin, pero ngayong nalaman ko na lahat ng rason mo.. pinapatawad na kita,"

"Kaya gumising kana.. nag-usap na din kami ni shane, magpapakasal na pala siya no?ikaw, kailan mo'ko papakasalan?"

Kinagat ko ang labi ko. At muling hinaplos ang kamay niya bago dinukdok sa hospital bed niya ang ulo ko.

Nagising ako sa marahang pag-haplos sa buhok ko, napaungot pa ako dahil naramdaman ko din ang paglalaro nito sa daliri ko. Kusa akong napabalikwas ng ma-aalala kong nasa hospital nga pala ako at binabantayan si Devon.

Ganun nalang ang natural at mabilis na pagtibok ng puso ko ng makita kong dilat na dilat na ang mga mata niya habang nakatitig sa'kin. Ilang minuto akong tulala hanggang sa naramdaman ko ang paghalik niya sa kamay ko.

"G-gising kana, Dev.. anong gusto mo?tubig?pagkain?nagugutom kaba?anong gusto mong kainin?"Natataranta at sunod-sunod na tanong ko at akmang tatayo pero hindi niya pinakawalan an kamay kong hawak niya kaya wala akong nagawa kung hindi bumalik sa pagkaka-upo.

"Heaven.."Namamaos na tawag niya sa nakasanayan n'yang tawag sa'kin.

Pakiramdam ko ay tumindig ang balahibo ko dahil ilang taon na rin mula nung huli kong narinig na tawagin niya ako non.

"Totoo ba 'to?o nananaginip nanaman ako. na nandito ka sa tabi ko?"Bakas parin ang pagkamalat sa boses niya.

Hindi ko napigilang haplusin nag pisngi niya kaya napapikit siya na tila ba dinadamdam niya.

"Hindi, Devon.. hindi 'to panaginip, nandito talaga ako para sa'yo,"Sinserong sabi ko.

Dumilat siya at kitang kita ko ang pag- uulap ng mata niya.

"Patawarin mo'ko sa lahat.."Mahinang sabi niya. "Alam kong tapos na yun, hindi na maibabalik pa, pero nandito ulit ako para mamilit sa'yo."

Ngumiti ako."Pinapatawad na kita, Dev.."

Kitang kita ko kung paano nanlaki ang mata niya."T-totoo?"

Tumango ako."Alam kona lahat.. nasabi na ni shane sa'kin,"

Ngumiti siya ng tipid."Kahit may rason ako, valid parin ang rason mo para magalit sakin dahil nasaktan kita.."

Umiling ako."Hindi na ako galit, Dev..at pinapatawad na din kita," Mahinang sabi ko.

"May narinig ako kagabi pero hindi ko alam kung sa panaginip ko lang ba yun,"Biglaang sabi niya habang nilalaro ang darili ko.

Nagtataka ko s'yang tinignan."Ano ba yun?"

"Tinatanong mo kung kailan kita papakasalan."Nag-init ang pisngi ko.

Narinig niya yun?

"Panaginip koba yun.. o tinanong mo talaga?"Tanong niya.

Ngumuso ako."Nabanggit ni shane sa'kin na ikakasal na pala siya kaya...hmm, ano.. nasabi kona ako kailan mo papakasalan."

"Bakit gusto mo bang mag pakasal sakin kung sakali?"Seryoso niya akong tinignan.

"Depende.."Tumawa ako.

"Depende saan?"Interesadong tanong niya.

"Sa performance mo,"Biro ko.

Tumaas naman ang kilay niya.

"Hindi paba maganda ang performance ko, eh kambal na ang nagawa ko?"Aniya. "Pero kung gusto mo ulit subukan ang performance ko, pwede naman para malaman mo din kung mas gumaling ba ako."Dagdag niya pa at kinindatan ako.

Hinampas ko siya."Tumahimik ka, kagagaling mo lang bumabalik nanaman ang kamanyakan mo.."

Humalahakhak siya."Sino ba kasing nagsabing nawala yun?"

Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya huminto siya sa pag tawa at nagseryoso kahit halata pa rin ang sinusupil n'yang ngiti mula sa kanyang labi.

Akmang bubuka ang bibig niya para magsalita pero hidni niya na naituloy dahil bumukas ang pinto. Umayos ako ng pagkakaupo dahil inakala kong baka nurse lang na ito at magtutusok ng gamot.

Paglingon ko ng pinto ay nagulat ako ng makita ang kambal, kusa silang natigilan ng mapatingin sila sa ama nilang prente ng nakaupo at titig na titig sa kanila.

"D-daddy.."Bigkas ni Bryle na halata pa rin ang gulat sa mukha.

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Devon sa kamay ko kaya nilingon ko siya. Nakaawang ang bibig niya, pumikit pa siya ng mariin at tila hindi makapaniwala na tinawag na s'yang 'Daddy' ni Bryle.

"Gising na si daddy, Bryle.."Bakas ang tuwa sa boses ng anak ko.

Hindi na ako nagulat ng sabay silang tumakbo palapit samin. Binuhat ko silang dalawa at inupo sa hospital bed.

"D-daddy. . . Gising kana po,"Nakangiting sabi ni Bryle.

Hinaplos naman ni Devon ang pisngi ni Bryle at ni Bryce. Kinurot ko ang sarili kong kamay para maiwasang maiyak, akala ko kasi noon ay hanggang pangarap nalang kami mabubuo.

"Yes buddy, gising na'ko.."

"A-akala namin daddy, matagal ko pong mag-sleep,"Ngumuso si Bryce.

"Nag-alala kami sa'yo, dad.. ano pong nararamdaman mo?"Tanong ni Bryle.

Hindi ko maiwasang humanga sa pagiging matured ni Bryle, parehong matalino ang mga anak ko pero parang mas panganay ang pagiisip ni Bryle kumpara kay Bryce.

"I'm fine, buddy.."Ngumiti si Devon at ginulo ang buhok nila. "Sorry kung pinag-alala ko kayo.

"Akala namin daddy iiwan mo na kami ulit," Sambit ni Bryce.

"Hindi kona kayo ulit iiwan.."Baka snag sinseridad sa boses niya."Palagi na'kong nandito para sa inyo.. pangako,"Seryosong dagdag pa ni Devon at sinulyapan ang kambal bago ako sulyapan.

When Heaven Meets Her Devil(COMPLETED)Where stories live. Discover now