Nauna na akong lumakad sa kanya patungong pintuan para paglabas niya ay isasara kona, ramdam ko naman ang pagsunod niya pero hindi rin naman siya kumikibo.

"Mauuna na'ko, Sera.."

Tumango ako."Ingat ka,"

"Okay, aalis na'ko.."

Kumunot ang noo ko."Sige,"

"Sera..."Muling banggit nito sa pangalan ko.

"Oh, may sasabihin kaba?"Takang tanong ko.

Pumikit siya ng mariin bago umiling."W-wala,"

Ngumiwi ako."Sige na uwi kana.. mag-iingat ka,"

Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya at tuluyan ng lumabas na unit. Muli pa s'yang sumulyap sakin bago naglakad paalis. Dahan-dahan kong sinarado ang pintuan at sumandal doon.

Saglit akong natulala bago pinilig ang ulo. Ayaw ko sa ganitong pakiramdam, hindi ako tanga para maramdaman na pati ako lumalambot na. Magiisang buwan na din magbuhat nung maging ganito ang set-up namin no Devon para sa Co-parenting namin sa mga bata.

Habang nakahiga ako ay hindi ako dinadapuan ng antok dahil palaisipan sa'kin si Devon, wala pa s'yang nababanggit sakin tungkol sa pamilya niya. Hindi naman ako nage-expect pero hindi ko alam kung alam ba ng asawa at anak niya na parating s'yang nandito?araw araw s'yang nandito. Hindi ba nagagalit sa kanya si Shane?

꧁༺༻꧂

"Mommy, Want ko pa po ng hotdog,"Rinig kong sabi ni Bryce.

Bumalik naman ako sa wisyo at mabilis na tumusok ng hotdog para ilagay sa pinggan ni Bryce.

"Mommy, are you okay po?"Napansin yata ng anak ko na wala ako sa sarili.

Pilit akong ngumiti bago tumango."Of course, anak.. mommy's fine,"

Tumitig naman sakin si Bryle."Ang laki po ng eyebags mo mommy, natulog ka po ba?"

Hindi ko maiwasang matawa."Oo anak.. medyo napuyat lang si mommy kasi may bagong design na kailangang i-drawing."Palusot ko.

Sa totoo lang

"May work kapo now mommy, right?" Tanong ni Bryce.

"Yes anak, bakit?"

"Diba, same kayo ng work ni daddy mommy?"Daldal ng anak ko.

"Hindi kami pareho ng work ni daddy anak, he's and Engineer and i'm an Architect.. magkasama lang kami sa project namin ngayon,"Paliwanag ko.

Tumango-tango naman si Bryce na dahil naintindihan niya ang sinabi ko.

"Mom, miss kona si daddy Laurence."Biglang sabi ni Bryle.

"Don't worry anak, babalik siya kapag hindi na siya busy sa work...diba, nag promise siya sa inyo?"Ngumiti ako.

"Bigboys, kailangan ko ng umalis ni mommy.. wag mag papasaway, okay?"Paalala ko sa kanila at hinalikan silang dalawa sa tuktok ng ulo.

"Take care, mom."Ngumiti si Bryle.

"We love you, mommy."Bumungisngis naman si Bryce.

Pagdating ko ng site ay bumati ako sa mga nadaanan kong Engineer at iba pang kasama ko dito. Ayaw ko namang isipin nila na snob ako kaya nakikisama ako kahit medyo hindi ako komportable.

When Heaven Meets Her Devil(COMPLETED)Where stories live. Discover now