Totoo ang sinabi ko, hindi kopa nalalaman kung sinong makakasama ko sa bago kong proyekto, pero tingin ko naman ay hindi basta-basta kukuha ng pipitsguing engineer ang mag-asawa dahil kalat ng kilalang hotel na pag mamay-ari nila sa pilipinas.

"I'm the engineer or Royale Hotel,"Lahat kami ay natigilan sa biglaang pagsagot ni demonyo, este devon.

He what?f*cking sh*t?siya ang makakasama ko sa bago kong proyekto?

Pumikit ako ng mariin, talagang hindi ko maproseso ang sinabi niya. Sa dami ba naman ng engineer na pwede kong makasama ay talagang siya pa?

Calm down Seraphina, be professional.. just do your work.

"Wait..diba, sa firm ka sa nueva ecija?so lilipat ka dito sa manila para sa new project mo?"Tanong ni Architect Peña.

"She's staying in my condo unit here in manila.."Si Laurence ang sumagot at sumulyap sa'kin.

"How about you Engr. Montes, ang alam ko may offer ka abroad, right?"Singit ni Engr. Santos

Gulat ko namang nilingon si Laurence. Offer abroad? Wala s'yang nababanggit sa'kin tungkol doon.

Binasa naman ni Laurence ang pang-ibabang labi niya."I can't accept the offer."

Narinig ko naman ang pagsinghap ng mga kasamahan namin maging ako ay ilang minutong tulala. Pinagloloko ba ako nito?

"Why, Engr. Montes?"Tanong ni Engr. Ramos

Tumawa ito."Hindi ko pwedeng iwan si Seraphina, she needs me.."

Napakurap-kurap ako. Hindi ko alam pero may parang humaplos sa puso ko mula sa narinig ko. Muling bumalik sa'kin ala-ala nung namili si Devon saming dalawa. yung kataga n'yang 'Shane needs me' ang kahit kailan hindi ko makakalimutan, never niya pa akong inisip palaging si Shane lang.

"Ang sweet mo naman Engr. Montes, napakaswerte sayo ni Architect Selguero.." Kinikilig na sabi ni Architect Lopez.

"Mas swerte ako sa kanya.." Sinserong sabi ni Laurence.

Kinantyawan naman kami ng mga naririto, maliban kay Devon na tahimik lang, madalas kong mahuli ang titig niya pero nagiiwas siya ng tingin pag napapatingin ako sa kanya, sa totoo lang ay wala naman na sa'kin kung nandito siya. Sadyang hindi lang ako komportable, ngayon lang kasi kami ulit nagkita pagkatapos ng anim na taon.

Wala na rin akong naging balita pa sa kanya sa nagdaang taon, hindi ko alam kung kasal naba siya o ano  man. Wala naman kasi akong pakielam pa, matagal ng tapos yung samin pero mananatiling may koneksyon kami sa isat-isa dahil may anak kami. Bigla kong naisip yung anak nila ni shane, sigurado akong malaki na din siya dahil ka-edad siya ng kambal.

"Bakit hindi mo tinanggap yung offer abroad?"Tanong ko kay Laurence.

Hindi na namin tinapos pa ang event sa hotel, mas nauna na kaming magpaalam sa kanila. Ang ibang engineer ay pinipilit pa kaming manatili pero nagdahilan ako na inaantok na. Isa pa ay ang tagal na rin naming nanatili doon dahil quarter to 11:00 pm na.

"Hindi moba narinig yung sinabi ko?kailangan mo'ko, kailangan niyo ako.." Nanatili ang tingin niya sa kalsada.

"Rence, may sarili kang buhay.. hindi mo naman kailangang isakripisyo pati pangarap mo para samin,"Giit ko.

"Gusto kong manatili dito, Seraphina... Kasama niyo,"Seryosong sabi niya.

Ngumuso ako. Ayaw kong pakipagtalo sa kanya dahil alam kong hindi siya magpapatalo, nilibang ko nalang ang paningin ko sa bawat nadadaanan namin. Ilang dekada na rin nung huling punta ko dito sa manila, magbuhat kasi ng bumalik ako ng nueva ecija ay hindi kona binalak pang bumalik dito.

"Anong nararamdaman mo?"Biglaang tanong niya.

"Huh?"

"I mean.. nagkita kayo after a year, anong nararamdaman mo?"

Ngumiwi ako."Wala, ano bang dapat kong maramdaman?"

"Mahal mopa ba siya?"

Umiwas ako ng tingin."H-hindi na,"

"Are you sure?"Paninigurado niya.

"Laurence may pamilya na siya, wag na natin s'yang pag-usapan pa.."

Hindi na sumagot pa si Laurence, pero napansin ko ang pananahimik niya sa buong byahe hanggang sa nakarating na kami ng hotel. Sinubukan kong mag-open ng topic habang nasa loob na kami ng elevator pero tipid s'yang sumagot kaya hindi na ako nangulit pa.

"Good night, Rence."Mahinang sabi ko ng makarating na kami sa harap ng room ko.

Hinagkan niya ako sa noo."Good night, Sera.."

Tinalikuran kona siya at sin-wipe ang keycard ko para mabuksan ang pinto.  Pagpasok ko sa loob ay muli pa akong nagpaalam bago dahan-dahang isara ang pinto.

Habang nakahiga ako sa kama ay pinipilit kong ipikit ang mata ko para matulog pero sadyang hindi ako makatulog. Bumugtong hininga ako at inis na umupo.

Tumayo ako sa kama at lumabas ng veranda, agad na yumakap sakin ang malamig na simoy ng hangin kaya napayakap ako sa sarili ko. Tinanaw ko ng syudad at magagandang ilaw na nagsisilbing liwanag.

Anim na taon na ang nakakakaraan hindi ko talaga inaasahan na magkikita kami ni devon. Masaya ako para sa kanya dahil kilala na rin s'yang engineer. Siguro ay masaya na rin siya dahil natupad niya na lahat ng pangarap niya unang una na dun ang magkapamilya kasama si shane.

Bigla kong naalala ang mga anak ko. Si Bryce kasi kadasalang natatanong sa'kin ang tungkol sa kanyang ama dahil gustong gusto niya itong makilala, kabaliktaran ni Bryle na ni minsan ay hindi ko narinig na nagtanong pa.

Naawa ako sa anak ko dahl hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya na may pamilya na ang daddy niya. Hindi ko rin alam kung paano ko ipapakilala ang anak ko kay devon dahil hindi ko alam ang takbo ng utak niya.

Baka hindi niya matanggap ang anak ko at maisip ko palang na masasaktan ang anak ko ay parang nanghihina na'ko. Gustong gusto kong makitang masaya ang kambal at kung ang ama nila ang dahil ng pag-saya at magiging dahilan din ng kalungkutan nila ay mas gugustuhin ko nalang na wag na silang ipakilala pa.

Akin nalang ang mga anak ko. Masama bang ipagdamot ko sila?

When Heaven Meets Her Devil(COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora