Chapter 54

88.8K 2.6K 1K
                                    


"What do you think you're doing?"

 Napapitlag si Eina nang may humablot sa kanya pagkalabas niya sa rest room. Bumungad sa kanya ang madilim na anyo ni Saulo. He was mad.

 Sa ibang pagkakataon, kakabahan siya sa kung gaano kaseryoso ang boses nito. Pero dahil malakas na rin yata ang tama ng alcohol sa kanya, nagawa na niyang itulak ito.

"Let go of me."

 O, ha! Tingin ba ni Saulo ay madadaan siya nito sa paninindak? Sa imbes na bitawan siya ng lalaki, humigpit lang ang hawak nito sa kanya, at tila walang balak na pakawalan siya.

"Ano ba? Bitawan mo ako. Babalikan ko pa sina Gigi—"

"You're not fooling anyone here, Eina. I saw you talking to Dax Vitiello—"

"Nag-uusap lang kami—"

"Oh, really? Sinasabi mo bang bulag ako? Na hindi kita nakitang nakikipaghalikan?"

"I was just playing! Body shot lang 'yun—"

"Body shot na may kasamang halik?" Napipi si Eina, saglit na nangapa siya ng isasagot sa binata na nagpupuyos sa galit.

"It's for fun," aniya, pilit na iniiwas ang mata.

"But it's not necessary for you to kiss him like you like it."

Bagaman mahina at kalmado ang boses ni Saulo, kita niya ang galit sa mukha nito at puno ng panunumbat sa boses. Daig pa nito ang asawa na nahuli ang misis nitong may kabit. Di niya napigilan ang pag-ahon ng inis.

"Ano bang mali doon?"

"What?"

"At saka ano bang gusto mong gawin ko? Maging killjoy? Personally, wala namang problema sa akin kung halikan niya ako kasi malaya naman ako. I'm not committed to anyone. I'm single. I don't have a boyfriend! Walang may karapatan na mag-bawal sa akin. So, what's your problem with that, Sir?

 Itinaas niya ang noo at matapang na hinarap ang galit sa mata nito. His eyes widened at her boldness. Lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya.

"Kung wala ka nang sasabihin pa, mauuna na ako."

 Nilagpasan niya ito. Dali-daling naglakad. Narinig niya ang boses ni Saulo, tinatawag ang kanyang pangalan. Paglingon niya ay nakasunod na pala sa kanya ang lalaki!

 Binilisan niya ang paglalakad. Hindi puwedeng bumalik siya sa puwesto nila nina Gigi at makitang nakasunod sa kanya si Saulo na parang may utang siyang hindi nabayaran dito. Sa pagkadesperadang hindi siya maabutan nito, naisipan na niyang tumakbo. Lumiko siya papunta sa likuran kung saan may daan papasok sa kabilang side ng villa.

 Muntikan pa siyang matapilok. Buwisit! Ito na ba ang twist na hindi niya inaasahan mula sa pakikipagrelasyon sa boss niya? Ang programang itong ay Rated SPG. Maaaring may maseselang tema, lengwahe, karahasan, sekswal—

"Eina!" tawag ni Saulo. "Come here!"

Ano siya, hilo? Para na rin siyang gamo-gamo na humalik sa apoy.

 Naghanap siya ng matataguan. Naisip niyang pumasok sa isa sa mga kwarto. Binuksan niya ang naunang makitang silid para lang magulat sa dalawang tao na nagtatalik sa kama. Jumpscare! Humingi siya ng paumanhin bago isara ang pinto at lumipat sa kabilang kwarto na kasamaang-palad ay may gumagamit rin.

 Tinakbo ng dalaga ang silid sa pinadulong bahagi. Pumasok siya roon at bago niya isara 'yon, nakita niya si Saulo na madilim ang anyo na naglalakad palapit sa kanya.

Right there and then, she knew that it wasn't going to end well for her. She was fucked.

 Pinagsarahan niya ito saka lumayo sa pinto. Ilang segundo pa ay narinig niya ang mararahang katok sa pinto. Napapitlag si Eina, pero hindi siya gumawa ng ingay.

TEMPTATION ISLAND: Midnight MistressNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ