Chapter 2

221K 6.1K 716
                                    


 Nang magsimula si Eina sa Playmate bilang camgirl, gumawa siya ng listahan niya ng mga rules na dapat niyang sundin para sa kapakanan niya. Hindi siya perfect kaya alam niya may posibilidad na maaari siyang magkaroon ng mga pagkakamali. Pwede siyang masilaw sa pera. Posibleng makalimutan niya kung ano nga ba mga goals niya. Baka maging gahaman siya, maligaw siya ng landas at makalimutan niya ang sarili.

 Number one rule niya ang huwag mag-entertain ng private sessions. Mapa-personal man yun or private calls, isinarado na niya ang pintuan niya para doon. Consistent naman ang pagtanggi niya at sa loob ng dalawang taon, hindi niya nagawang baliin 'yon. Sandamakmak na indecent proposals ang bumubungad sa kanya tuwing magbubukas siya ng inbox niya.

Pa-hard to get na nga ang impression sa kanya ng iba. Nagpapataas ng presyo. O di kaya suplada, hindi namamansin. Wala siyang pakialam. Lagpasan lang ang tingin niya doon. Dahil kahit ano pa ang sabihin ng mga nagagalit sa kanya sa site, unbeatable pa din ang record niya bilang Playmate's most followed streamer. Two years na siyang consistent na nasa top twenty streamers.

Noong nagsisimula pa lang si Eina, she was able to maintain the number one spot for three consecutive months. Mahirap 'yon i-maintain dahil maraming streamer. Pag may bagong dumating, napapalitan sila sa ranking. Kung di lang din siya busy sa trabaho, kaya niyang i-maintain 'yon lagi. But she's always busy. Pasulpot-sulpot lamang siya. Hindi rin naman niya pakay ang malagay talaga sa ranking. Nagpapayaman lang talaga siya doon.

Inignora lamang ni Eina ang email na nabasa. Rules is rules. Hindi niya 'yon babaliin kahit kanino. Sunod naman niyang binuksan ay ang notes niya habang humihigop ng mainit na kape. Maaga pa siya kaya tumambay muna siya sa coffee shop na paborito niyang daanan tuwing umaga. Masarap kasi ang kape doon at tahimik lang...

"As in! Kakababa ko nga lang nun ng taxi eh. Kitang-kita ko talaga lumabas sila sa motel na 'yon!"

Well, minsan lang 'yon mangyari. Kadalasan talaga doon din ang tambayan ng mga chismosa sa department niya.

"Talaga? Sa mumurahin na motel lang sila?"

"Oo! At ang lakad ni ate gworl, kung nakita nyo lang din.. grabe, mukhang napuruhan!" parang ambulansya ang level ng boses ni Kristine tuwing nagbabalita ng chismis.

 Napapaisip na siya minsan kung hindi ba nito kinakailangan ng loperamide sa daming tsaa na naco-consume nito.

 Wala talagang pinipili ito at ang mga chismis nito. Di niya kilala kung sinong pinag-uusapan, pero malamang kasama din nila sa opisina. Kung sinong wala sa tumpok, siya ang star ng chismis. Minsan pakiramdam niya damay siya sa kasalanan ni Kristine kapag naririnig niya ang mga chismis nito. Wala naman siyang magawa kundi marinig ang mga 'yun.

Pasimpleng lumingon si Eina sa grupo nina Kristine. May mga araw lang talaga na natataunan niya ang grupo doon. Sa coffee shop na 'yun talaga. Matik na tuwing umaga parang may attendance ang mga mosang. Kulang na nga lang may pa-quiz pagkatapos ng paghahatid ng 'tsaa'.

Pagkatapos niyang ubusin ang kape ay tumayo na agad siya paalis. Gusto pa sana niya magtagal. Ang problema lang, baka kung ano pa ang marinig niya. Hindi siya komportable malaman ang mga nangyayari sa pribadong buhay ng iba 'no.

 Umakyat na siya sa office at umupo sa kanyang pwesto. Ilang sandali pa ay namataan na agad niya ang boss. Ang totoo kahit malayo pa si Saulo ay nakikita na agad niya ito. Kapansin-pansin talaga ang tindig nito kahit pa ba napapaligiran ito ng maraming tao. He was so tall and muscular.

 Kung iisipin niya kung paano ito sambahin ng mga kasamahan, kanasa-nasa naman talaga si Saulo. Deserve talaga.

"Good morning, Sir."

TEMPTATION ISLAND: Midnight MistressWhere stories live. Discover now