Chapter 53

92.6K 2.4K 365
                                    


 Nakaupo si Eina sa table na nakaharap sa may hardin nang sa wakas ay makita ulit niya si Saulo. But he was not alone. May babaeng nakapulupot sa braso nito. Dumaan ang ilang minuto na nakatanga siya habang pinagmamasdan ang dalawa. Lumapit ang mga ito sa isang grupo ng kababaihan.

Nakita niyang humiwalay saglit si Saulo sa babae para ikuha ito ng maiinom. May mga lumapit na lalaki sa grupo na agad niyang nakilala sa mukha.

 Eina looked intently at him while he was speaking to her. The woman was undeniably pretty. Not too much. Ngunit may kakaiba sa pagdadala nito sa sarili na nakakabighani. Mahinhin at pino ang galaw nito. She looked so sweet and classy on her powder-blue maxi dress. Simple lang ang tuwid at mahabang buhok nito. Sa paraan ng pagtindig nito, masasabi niya talagang nanggaling ito sa prominenteng pamilya. Well-mannered.

May pait sa dila niya nang muli niyang sinimsim ang laman ng kanyang baso. 'Yung mga babaeng tulad nito 'yung hindi na kailangan mag-effort ng husto para magmukhang mamahalin. Kahit simpleng bestida lang ang ipasuot, makikita mo pa rin ang pag-angat mula sa iba.

 It's okay.

 Minsan mabuti rin sa kalusugan na makaramdam ng kapaitan, atleast aware siya sa mga bagay na wala sa kanya at hindi magiging para sa kanya. Iba ang realidad sa ilusyon at pantasya. Ang realidad ay realidad. May mga bagay na saglit lang niya matitikman pero di tuluyang mapapasakanya.

 Napahilamos si Eina. Fuck that. Umeepekto na sa kanya ang alak. Hindi lang sa dila niya nalalasahan ang pait, bumaba na rin papunta sa dibdib niya.

 For fuck's sake! Now is not the time to be miserable. Sa tabi niya nagkakasiyahan maglaro ng truth or dare si Nat at Ylanna. Mga te, wala kayo sa pajama party! My God. Nahagip ng kanyang mata ang bote ng tequila sa harap ng mga ito. Kapapatong lang nun kanina, nakalahati na agad ng dalawa! Nagkakatuwaan na ang mga ito, lalo't lumapit rin sa kanila 'yong ibang socialite na kakilala ni Gigi.

"Di na ako magtataka kung isa sa dalawa ni Nat at Ylanna ang uuwing gumagapang," sabi ni Farah na umiinom lang ng pineapple juice sa gilid.

"You know that's mine, right?" sabi ni Caio na nakamata sa inagaw ni Farah dito.

Kinulbit siya ni Farah. Sa pagkatulala niya, hindi niya napansin na siya na pala ang kinakausap nito. "Do you know him?"

May ininguso ito sa likurang bahagi niya. "Kanina ka pa niyang tinititigan. Wag ka lumingon." Late naman magbigay ng warning si Farah kaya nakalingon na siya bago pa nito nasabi.

Farah was right. Someone is staring at her. Itinaas ng lalaki ang hawak na baso nito at ngumiti naman siya pabalik.

Namimilog ang mata ni Farah. "No shit. Anong meron sa inyo ni Dax?"

"Nothing. Nakausap ko siya kanina sa sports center kanina. He's nice, but flirty."

"Yes, yes. That's Dax Vitiello. He got very popular now for defeating Rodriguez in his last fight in Vegas. Malapit na niyang mapantayan ang kapatid niya. But be careful, he's known for being an international playboy."

"You don't need to warn me. Hindi naman siya ang gusto ko."

Bigla namang sumingit si Gigi. "That's interesting. Sino bang gusto mo?"

Pasimple siyang sumulyap sa kinatatayuan ni Saulo. May iba namang babae na kinakausap ito. Bumubulong pa sa tenga nito at ang tinamaan ng lintek, ang lawak ng ngiti!

Hindi mapigilan ni Eina ang pagsama ng loob. Ang bastardong 'yun! Anong karapatan nitong magpahiwatig na nagseselos kanina kung makikita naman niya itong nakadikit sa kung sino-sinong babae? Fuck him. He had no right to be jealous! Though wala naman siyang plano na mag-entertain ng ibang lalaki habang mayroong namamagitan sa kanilang dalawa. But she is definitely not going to play mind games with him.

TEMPTATION ISLAND: Midnight MistressWhere stories live. Discover now